Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 3.5 ang Masbate ngayong hapon.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-4 ng hapon.
Ang sentro nito ay 14 kilometro sa silangan ng Masbate. May lalim itong dalawang kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Nagdulot ito ng Intensity I na paggalaw sa Masbate City.
Walang inaasahang aftershock sa lindol na ito ang Phivolcs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending