NAGHAIN ang natalong kandidato para sa pagkamayor sa San Juan na si dating Vice Mayor Francis Zamora ng petisyon na nagsusulong ng recall election sa lungsod kung saan kinukuwestiyon niya ang pagkapanalo ni San Mayor Guia Gomez.
Isinumite ni Zamora ang 30,000 pirma mula sa mga residente ng San Juan na dismayado umano sa liderato ni Gomez.
Kabilang sa mga tagasuporta ni Zamora na sumama sa kanya ay ang natalong kandidato sa pagka councilor ng lungsod na si Sophia Gil.
Sumugod si Zamora at tagasuporta ni Zamora para ihain ang recall petition lavan kay Gomez na nasa ikatlo at huling termino na.
Bukod kay Gil, kabilang sa pumirma sa petisyon ay sina Jun Paul Aquino, purok (community) leader sa
Barangay Corazon; Raul Sevilla, council member ng Barangay Progreso; at Raymond Alzona, presidentw ng MZ Ver Neighborhood Association
in Barangay Kabayanan.
Tumakbo si Gil sa ilalim ng partido ni Zamora noong nakaraang eleksiyon.
“This is not anymore about the Zamoras against the Estradas. It has become the people of San Juan versus the Estradas. A lot of people want to see change in San Juan, and their sentiments remain the same.
They are now moving on their own to achieve change,” sabi ni Zamora.
Nagsuot pa ang mga tagasuporta ni Zamora ng “Lugaw No More,” kaugnay umano ng vote-buying sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending