Pulis patay sa NPA attack | Bandera

Pulis patay sa NPA attack

John Roson - May 17, 2017 - 05:15 PM
esperanza, agusan sur Nasawi ang isang pulis nang paulanan ng bala ng mga kasapi ng New People’s Army ang patrol base sa Sibagat, Agusan del Sur, ayon sa pulisya. Ikinasawi ni PO1 Sharmaine Cañete ang tama ng bala sa ulo, sabi ni Chief Supt. Rolando Felix, direktor ng Caraga regional police. Naganap ang insidente dakong alas-4:45 ng umaga Martes sa Brgy. Tabon-tabon. Pinaputukan ng di mabatid na bilang ng rebelde ang patrol base sa barangay, habang naka-duty si Cañete, ani Felix. Matapos ang insidente’y dinala pa si Cañete sa pagamutan sa Butuan City, ngunit idineklarang patay ng doktor. Kinundena ni Felix ang insidente, na aniya’y di lang pag-atake sa PNP, kundi pati sa mga taong naapektuhan ng sagupaan. “Children who had been traumatized by the gunfire is manifestation of their (NPA) wanton disregard to the safety and welfare of the people whom they claim to represent,” aniya pa. Hinikayat din ni Felix ang publiko na magbigay ng anumang impormasyon na makapagtuturo sa mga salarin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending