WALANG nagkukumpiyansa sa mga walang talong koponan na Navy A, F2 Logistics, Foton Toplander at RC Cola Army A sa magaganap na do-or-die quarterfinals bukas sa PSL Beach Volley Challlenge Cup sa Sands SM By The Bay. “Mahirap po kasi unpredictable at anything can happen sa beach volley,” sabi lamang ng isa sa dalawang miyembro […]
SUSUNTOK na ngayong hapon si Nesthy Petecio para sa pagkakataong masungkit ang isa sa dalawang natatanging nakatayang silya sa Rio Olympics sa 2016 AIBA World Women’s Boxing Championship sa Barys Arena sa Astana, Kazakhstan. Babanggain ng sixth seed at 2014 AIBA World Women’s Boxing Championship silver medalist na si Petecio, na nakahugot ng opening round […]
KABILANG ang siyam-anyos na batang babae sa 55 katao na ginagamot dahil sa HIV-AIDS (human immunodeficiency virus-acquired immune deficiency syndrome) sa Cagayan Valley Medical Center. Sinabi ni Dr. Susan Daran, HIV-AIDS Cagayan coordinator ng Department of Health (DOH) na nahawaan ang bata ng kanyang nanay na nasawi dahil sa AIDS. Nakatakdang magsagawa ng candle-lighting ceremony […]
NAKATAKDANG italaga ni presumptive President-elect Rodrigo Duterte si dating Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Alfonso Cusi bilang bagong Kalihim ng Department of Energy (DOE). Kinumpirma ni Atty. Salvador Panelo ang nakatakdang paghirang ni Duterte kay Cusi. Naging kontrobersiyal si Cusi matapos maugnay sa umano’y dayaan noong 2004 presidential elections kung saan nanalo si […]
KINUMPIRMA ni Presidential Communications Operations Office head Secretary Herminio “Sonny” Coloma na nagpulong na sila ni Atty. Salvador “Sal” Panelo sa harap naman ng nakatakdang pag-upo ng huli bilang spokesperson ni presumptive President-elect Rodrigo Duterte. Sa isang text message, sinabi ni Coloma na nag-usap sila ni Panelo sa labas ng Malacanang. “Summary of points discussed […]
ITINANGGI ni Sen. Antonio Trillanes IV na kasama siya sa mga umano’y nagpapaplanong magsagawa ng isang coup d’etat laban kay presumptive President-elect Rodrigo Duterte. “Let me categorically state that I am not part of or even planning any coup d’etat,” sabi ni Trillanes sa isang pahayag. Idinagdag ni Trillanes na impeachment ang nararapat na isulong […]
INARESTO ang na-dismiss na si dating Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima sa Ninoy Aquino International Airport Terminal-3 kahapon ng hapon matapos dumating mula sa Butuan City. Isinilbi ang warrest of arrest ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group. “CIDG personnel carried out arrest, he will be brought to Sandiganbayan from airport,” sabi ni CIDG […]
NALULUNGKOT ang spiritual adviser ni presumptive President-elect Rodrigo Duterte na si Pastor Apollo Quiboloy sa mga napiling mga miyembro ng kanyang Gabinete dahil hindi masusing pinili ang mga ito, ayon sa tagapagsalita ng huli. “Dapat may tamang proseso,” sabi ni Mike Abe, na binabanggit ang pahayag ni Quiboloy. Idinagdag ni Abe na mismong si Peter […]