DOJ inaming wala nang patutunguhan ang imbestigasyon kaugnay ng Davao Death Squad
INAMIN ni Acting Justice Secretary Emmanuel Caparas na wala nang patutunguhan ang imbestigasyon kaugnay ng Davao Death Squad (DDS), isang vigilante group sa Davao City na nauugnay kay presumptive President-elect Rodrigo Duterte.
“There is really nothing there anymore,” sabi ni Caparas.
Ang DDS ang sinasabing nasa likod ng mga summary execution ng tinatayang 1,020 hanggang 1,040 katao sa pagitan ng 1998 hanggang 2008.
Noong isang taon, sinabi ng noo’y nakaupong Justice secretary at ngayon ay Senator-elect Leila De Lima na merong testigo ang gobyerno para madiin si Duterte kaugnay ng pagkakaugnay sa DDS.
“I tried to look into that myself. The witness is not there. What will I do? What I understand, the entry to the program (Witness Protection Program) is voluntary so even exit from the program is voluntary as well. If the witness is not there [WPP], he would have left voluntarily,” dagdag ni Caparas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.