UMIIGTING ang panawagan ng Kaliwa at iba pang grupo para sa live network coverage sa pagdinig sa mga kaso ng Ampatuan, lalo na ang kay Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. At, nakalulungkot na isa sa mga grupong nananawagan ng live coverage ay kinabibilangan ng mga journalists mismo (mukhang di kumober ng korte ang mga […]
NAKATAAS ang kilay ng ilang taga-Palasyo nang dumalo si ex-President Joseph Estrada sa pulong ng National Security Council para talakayin ang kaayusan ng eleksyon sa Mayo at mga banta rito, lalo na sa mga hot spots. “Biglang bumait si Erap,” anang isang opisyal. Nakapagtataka dahil sa kanyang pag-iikot at pagbisita sa maraming sulok ng bansa […]
from “Target ni Tulfo” by Mon Tulfo BINATIKOS ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang labis na pagpapakita ng debosyon sa imahen ng Jesus Nazareno ng Quiapo matapos na dalawa ang namatay at 400 ang nasaktan sa prusisyon noong Linggo. Sinabi ng butihing Cardinal na ang tunay na debosyon sa Nazareno ay simpleng pamumuhay at […]
HINDI na maitatanggi pa na isa nang malaking artista si Aljur Abrenica. Itinuturing na nga siyang isang “prinsipe” ng GMA 7 dahil sa sunud-sunod na success ng kanyang mga project, of course, with his leading lady na si Kris Bernal. Pero marami ang nagsasabi na kayang-kaya nang magsolo ni Aljur kahit wala si Kris sa […]
“Lucky Shot” ni Barry Pascua SINO ba talaga ang atat na atat na matuloy ang laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr.? Eh, sino pa nga ba kundi si Mayweather, Jr. mismo at ang Golden Boy Promotions! Sinabi na nga ni Bob Arum na magmu-move on na si Pacquiao at lalabanan na lang nito […]
TAYO na sa kanayunan, sa Poblacion Barangay 6 (Bliss), Taft, Eastern Samar (meron po kasing Bandera rito at may mga tagasubaybay tayo). Pinulsuhan natin ang kamalayan at kaalaman ng ilang residente, na karamihan ay mahihirap, maliban sa iilan na may dumarating na pera galing sa abroad.
IPAGPAPATULOY ang state of emergency sa Maguindanao hangga’t di tumitigil ang looting at ibang kriminalidad sa Muslim province, sabi ng Malakanyang. Ang pag-ransack ng mga opisina sa provincial capitol at sa opisina ng Commission on Elections (Comelec) ang ibinigay na halimbawa ng Palasyo kung bakit patuloy na ipaiiral ang state of emergency sa Maguindanao. Walang […]
SIMULA kanina, o 24 oras pagkatapos ihayag na sasampahan ng double murder si Sen. Panfilo Lacson bunsod ng pagdukot at pagpatay kina Salvador “Bubby” Dacer at Emmanuel Corbito noong 2000, matamang sinundan at pinakiramdaman ng Bandera ang opinyon mo, ng taumbayan. Sa unang 12 oras, tila hati ang pananaw ng taumbayan, lalo na ang Bandera […]
ISANG kaibigan ko ang nag-text sa akin habang dinidinig ang multiple murder case laban kay Mayor Andal Ampatuan Jr. sa Camp Crame: “mon ampatuan looks like the devil incarnate.” Sagot ko sa kaibigan ko: “ pare, he doesn’t look like the devil incarnate. he is the devil himself if such creature exists.” Totoong napakapangit ng […]
SA kanyang nalalabing 10 araw sa bansa, mag-iikot si US Ambassador Kristie Kenney para personal na magpasalamat sa mga opisyal ng gobyerno at mga kaibigan sa kanilang mainit na pagtanggap sa kanya. Maraming salamat din, Ambassador Kenney. Maaaring hindi tanyag si Ambassador Kenney sa Metro Manila (siya ang unang banyaga at ambassador pa ng pinakamalakas […]
BAGO pa nakilala bilang aktres si Isabel Oli, naging laman muna siya ng ilang TV commercials, kabilang na diyan ang TV ad na pinagsamahan nila ni Piolo Pascual para sa isang food chain. At mula nu’ng sumikat ang nasabing commercial, nagsimula na rin ang acting career ni Isabel. At tulad ng ibang celebrities, hindi rin […]