UMIIGTING ang panawagan ng Kaliwa at iba pang grupo para sa live
network coverage sa pagdinig sa mga kaso ng Ampatuan, lalo na ang kay Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.
At, nakalulungkot na isa sa mga grupong nananawagan ng live coverage ay kinabibilangan ng mga journalists mismo (mukhang di kumober ng korte ang mga ito).
May mga panuntunan sa korte na hindi dapat ipabatid sa madla ang nagaganap sa bista, lalo na kung ito ay maselan. Sa yugto ngayon, nasa presentation of prosecution evidence ang bista. Na ang ibig sabihin ay lahat ng testigo ng taga-usig ay maghahayag ng kanilang nalalaman.
Panuntunan sa ganitong yugto na ang pahayag ng isang testigo ng taga-usig ay di dapat marinig ng susunod na testigo ng taga-usig. Igigiit ito ng depensa at may mga huwes na sinusunod ang ganitong panuntunan kahit na may pagtutol dahil ang pahayag sa korte ay kailangang natatangi sa isang testigo at di niya kinopya sa kapwa testigo.
Dahil kapag narinig ng ikalawang testigo ang pahayag ng unang testigo ay yan din ang kanyang sasabihin, tututulan ito ng depensa dahil parehong plaka ang inihahayag ng taga-usig.
Sa live coverage, baka makatulong pa ito kay Ampatuan (kung lutuan ng kaso ang pinangangambahan ng Kaliwa, parating nariyan ang transcript of stenographic notes na maaaring suriin at pagbasehan).
LITO BAUTISTA, Executive Editor
BANDERA, 011310
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.