KASALUKUYANG nakikipaglaban sa Influenza A(H1N1) ang mga pangulo ng Colombia at Costa Rica na sina Alvaro Uribe at Oscar Arias, ayon sa pagkakasunod, habang ang akala ng karamihan ng mga Pilipino ay bakas na lamang ng lumipas ang sakit na ikinapraning ng sambayanan ilang buwan na ang nakararaan.
SUSUPORTAHAN ni Bishop Orlando Quevedo ang kandidatura ni boxing great Manny Pacquiao sa pagka-kongresista sa Sarangani. Talaga ha?
HINDI na tatakbo si Sen. Manuel “Mar” Roxas sa pagkapangulo sa 2010. Ipinaubaya na niya ang kandidatura sa pagka-pangulo sa ilalim ng Liberal Party kay Senador Benigno “Noynoy” Aquino III. Ito ang kanyang inihayag sa isang press conference sa Club Filipino kanina. Hindi naman sinabi ni Roxas kung tatakbo ba siya sa pagka-bise presidente. Ano […]
KAHIT na pitpitin mo ang yagbols ni Romy Neri, hindi niya isasangkot sina Pangulong Gloria at Mike Arroyo sa ZTE-NBN grossly overpriced contract na di tinuloy.
PORMAL na inilunsad kahapon ang Moral Force Movement na pinangungunahan ni Chief Justice Reynato Puno sa Far Eastern University na dinaluhan ng may 1,000 katao na sinamahan din ng mga kilalang lider ng iba’t ibang sektor.
PEKS man, ha! Walang mandaraya sa 2010 elections (nasyonal at lokal). Malinis at walang dayaang eleksyon ang ipinangako ng 13 kandidato sa “Eleksyon 2010 na, Tatakbo Ka Ba?” event ng GMA7 sa Taguig kahapon.
PUMANAW noong Lunes ng hapon ang lider ng Iglesia Ni Cristo (INC), na si Executive Minister Erano Manalo, ayon sa opisyal na pahayag kaninang umaga.