Walang dayaan? Ows? | Bandera

Walang dayaan? Ows?

- September 01, 2009 - 03:14 PM

PEKS man, ha!  Walang mandaraya sa 2010 elections (nasyonal at lokal).
Malinis at walang dayaang eleksyon ang ipinangako ng 13 kandidato sa
“Eleksyon 2010 na, Tatakbo Ka Ba?” event ng GMA7 sa Taguig kahapon.
Ang mga nangako ay sina dating Pangulong Joseph Estrada, mga senador na
sina  Manuel Villar, Francis Escudero, Manuel Roxas, Loren Legarda,
Richard Gordon, Jamby Madrigal at Francis Pangilinan; Makati Mayor
Jejomar Binay, MMDA Chairman Bayani Fernando, environmentalist Nicanor
Perlas at Olongapo Councilor Carlos de los Reyes.
Bukod sa “O Promise Me,” ipatutupad din daw nila ang batas ng halalan at
di mag-uumpisa ng gulo o magpapabaya sa karahasan na sumisiklab sa tuwing
may halalan.
Ows?
Pero, ang mga nangako ay di nagmula sa Pampanga, Nueva Ecija, Samar,
Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao, Datu Odin Sinsuat, Datu
Piang, Margosatubig, Jolo, Basilan at Tawi-Tawi, kung saan iniulat at
inireklamo ang dayaan sa mga nakalipas na halalan.
Sino ang magrereklamo ng dayaan? Di ba’t sa mga naganap na eleksyon sa
bansa, ang natalo ang unang sumisigaw ng dayaan?  Na dinaya siya?  At ang
nanalo ang pumupuri sa “matagumpay at malinis na halalan?”

BANDERA Editorial, September 1, 2009

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending