KAHIT na pitpitin mo ang yagbols ni Romy Neri, hindi niya isasangkot sina Pangulong Gloria at Mike Arroyo sa ZTE-NBN grossly overpriced contract na di tinuloy.
Sina Neri, dating head ng National Economic and Development Authority (NEDA), at dating Comelec Chairman Ben Abalos ang sinampahan ng Office of the Ombudsman ng kasong graft dahil sa $329-million ZTE-NBN contract.
Dinismis ng Ombudsman ang kasong graft laban kina Pangulong Gloria at Mike Arroyo.
Maraming nag-uudyok kay Neri, kasama na rito ang ilang obispo ng Simbahang Katolika, na ibunyag sa publiko ang kinalaman nina GMA at Mike sa katiwalian ng ZTE-NBN.
Hindi magsasabi ng kanyang nalalaman si Neri, sabi ng aking source na di ko pangangalanan.
Kilalang-kilala ng aking source si Neri.
Sabi ng aking source, kapag idinamay ni Neri sina GMA at Mike sa kawalanghiyaan ng ZTE-NBN, maaaring ibunyag ng Malakanyang ang pagiging bading ni Neri at mga katiwalian na ginawa niya noong siya’y Socio-Economic Secretary at director general ng NEDA.
“Natatandaan mo, Mon, noong isang Senate hearing kung saan tinanong si (whistle-blower) Jun Lozada kung kilala niya ang tatlong lalaking binanggit ni Sen. Jamby Madrigal?” sabi ng aking source.
Natatandaan ko na may binanggit na mga pangalan ng lalaki na binanggit ni Senator Jamby kay Lozada pero umiwas sa pagsagot si Lozada.
Eh, ano naman ‘yung mga lalaking binanggit? tanong ko sa aking source.
“Yun ay mga lovers ni Neri.”
“Susmaryosep, ang dami naman! Ang buong akala ko, lalaking-lalaki si Neri at may bigote pa nga,” sabi ko sa aking source.
“Certified bading siya, Mon,” sagot ng aking espiya.
Alam ni Neri na alam ng Malakanyang na siya’y bading at kung sinu-sino ang mga lalaki na kanyang kinakasama, sabi ng aking espiya.
Alam din ni Neri na si Rodolfo “Jun” Lozada ay bagman ni Neri sa NEDA.
Sinabi ng aking source na si Lozada ang nakikipag-usap in behalf of Neri sa matataas na opisyal ng mga ahensiya na naglulunsad ng proyekto na kailangan ng approval ng NEDA.
Hinihingan ni Lozada ng “cut” sa project cost ang mga opisyal upang maaprubahan ang kanilang proyekto ng NEDA.
At alam ni Neri na alam ng Malakanyang ang mga katiwalian ni Neri sa NEDA.
Ang projection kasi ni Neri sa publiko ay siya’y malinis.
“Eh, bakit di tinanggap ni Neri ang alok ni Ben Abalos na bibigyan siya ng P200 million kapag inaprubahan niya ang ZTE-NBN contract?” tanong ko sa aking source.
Ang kanyang sagot: “Kulang kasi.”
Kung sina Abalos at Mike Arroyo nga naman ay kikita ng bilyun-bilyong piso bawat isa sa commission, bakit maliit lang ang ibibigay sa kanya samantalang kailangan ang kanyang approval bago maisagawa ang ZTE-NBN project.
May katwiran ang aking source.
***
Sabi ng report ng Vera Files, isang grupo ng mga investigative journalists, sina Mikey at Dato Arroyo, mga anak nina Pangulong Gloria at Mike, ay nakabili ng mamahaling bahay sa US.
Nakapagtataka pa ba yan?
Di na balita ‘yan.
Mon Tulfo, BANDERA, August 31, 2009
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.