Gusto kayang ahasin ang boyfriend ni Angelica? Gretchen nilandi-landi si Derek Ramsay | Bandera

Gusto kayang ahasin ang boyfriend ni Angelica? Gretchen nilandi-landi si Derek Ramsay

- September 01, 2009 - 07:33 PM

HOW true na personal choice raw ni Gretchen Barretto si Derek Ramsay para  makasama sa teleseryeng pagsasamahan nila ng kapatid niyang si Claudine Barretto sa ABS-CBN? Sitsit sa amin ng isang dumalo sa 3rd Star Magic Ball kamakailan ay si Greta mismo ang lumapit para magpakilala kay Derek. Halatang-halata raw ang ginawang pagpapa-cute ni Gretchen (with matching pa-picture pa) sa boyfriend ni Angelica Panganiban.
Nu’ng kunan daw ng pahayag si Gretchen kung bakit si Derek ang gusto niyang maging leading man, ang  kinikilig na sagot daw ng aktres ay, “Cute siya, di ba? Kailangan pa bang sabihin yun?”
Nang kukunan na raw ng comment si Angelica tungkol sa pagka-giliw ni Greta kay Derek ay hindi na raw mahagilap ang aktres, samantalang si Derek naman ay kaliwa’t kanan ang interview para magpasalamat at nagustuhan siya ni Gretchen.
Say naman ng isang taong malapit kay Angelica, “Hindi naman nagselos si Angel kay Gretchen, alam naman niya kung saan siya naka-puwesto sa buhay ni Derek.”
Okey, sana nga lang, hindi pagmulan ng away nina Derek at Angelica ang pagpapa-cute ni Greta.

Regee Bonoan, Bandera Entertainment, September 1, 2009


Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending