KAILANGAN ng periodic check ng brake pad at brake shoe ng motorsiklo. Para sa ating texter …3778, ng Barangay Bag-ong Lungsod, Tandag City, ang brake pad at shoe ay kailangang patingnan tuwing ika-1,000 kilometro sa normal na takbuhan. Ibig sabihin, ang kanyang 125cc ay hindi dapat na-overload. Pero sa sitwasyon ng ating texter, posibleng nakatikim […]
Sarap ng pinagsanib na lasa ng Continental cuisine at kinagisnang lutuing Pilipino na may kakaibang estilo ang bubulaga sa iyo sa bagong restaurant na pinamamahalaan ni Chef Bruce Lim, ang Rustique Kitchen. Si Lim ay isang Fil-Am chef na sumikat sa mga cooking shows sa Asian Food Channel sa cable TV. Kasama ang may-ari ng […]
PINAKA-IN-demand na direktor pa rin sa Pilipinas ang six-time Box-Office Director awardee ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation – si Wenn Deramas. Katunayan, dalawang pelikula ang ginagawa niya ngayon, ang “Maria Leonora Teresa” ng Star Cinema at “Moron 5 Part 2” ng Viva Films. Pagkatapos ng dalawang pelikulang nabanggit, may dalawa pa siyang malalaking movie projects. […]
PINAG-IINGAT ni Feng Shui Master Hanz Cua ang publiko sa mga masasamang bagay na posibleng mangyari ngayong ghost month. Sinabi ni Cua na kapag ghost month ay bumubukas ang pintuan ng impiyerno kaya nakagagala ang mga “hungry ghost” na naghahatid ng kamalasan sa tao. “Hungry ghost are searching for persons to do harm and cause […]
ISA ang musikerong si Marc Abaya sa mga masuswerteng singer na nabigyan din ng break sa pag-aartista. Mula sa pagiging indie actor, pinagkatiwalaan din siya sa mundo ng telebisyon, ‘yun nga lang, mas madalas ay puro kontrabida ang ipinagkakatiwala sa kanya. Ayon kay Marc, dahil sa pagganap ng masasama at kasumpa-sumpang karakter sa mga teleserye, […]
Hindi matatawaran ang kontribusyon sa larangan ng pagpapayabong ng pagkain sa Pilipinas ni Maria Y. Orosa, ang nag-imbento ng banana ketchup. Bilang isang siyentipiko na may puso at pagmamahal sa bansa, determinado si Maria na linangin ang potensyal ng mga katutubong gulay at prutas upang maibsan ang kagutuman ng mga mamamayan. Gamit ang sampalok, santol, […]
UMURONG ang Department of Energy sa una nitong plano na maglunsad ng 3,000 electric tricycle sa bansa ngayong taon. Ayon kay Energy Usec. Donato Marcos, nagkaroon ng problema ang ilang local government units sa pagkuha ng pondo na gagamitin sa e-trike program ng bansa. Anya, malaking problema ng mga LGU ay nang mabigo silang makakuha […]
Noong nakaraang Miyerkoles ay kabilang sa mga binayo ng bagyong Glenda ang Calabarzon. Isa sa mga nasalanta ang katimugang bahagi ng Cavite, partikular ang mga bayan ng Silang, Indang at Magallanes, kung saan nanggagaling ang karamihan ng mga bungang kahoy at prutas na ibinebenta sa mga palengke ng lalawigan. Binisita ko ang pamilihang bayan ng […]
NAGTATANONG ang ating texter ….3488 kung saan kaya nanggagaling ang langis na tumatagas sa kanyang motorsiklo. Kung malinis ang engine block at wala itong maitim na langis na nahaluan ng alikabok at iba pang dumi maaaring nanggagaling ang tagas sa ilalim. Maaaring suriin ang piston kung kailangan na nito ng rebore bagamat mukhang hindi pa […]
Noong nakaraang Hunyo 23 ay dinagsa ng mga kapamilya at kaibigan ang Mira Nila, ang ancestral home ng mga Benitez sa Quezon City, upang ipagdiwang ang ika-100 taong kaarawan ni Helena Benitez. Sino si Helena Benitez? Siya ay anak nina Dean Conrado Benitez ng Laguna, isa sa mga sumulat ng Saligang Batas noong 1935, at […]
“MAS mabait ang ate ko, mas mature siya – ako I’m the rebel type!” Ito ang inamin ng Kapaso actress na si Lauren Young sa one-on-one interview ng BANDERA sa kanya kamakailan. Matalino, malalim at matapang pala sa tunay na buhay si Lauren, wala siyang inurungang tanong, lahat game na game niyang sinagot, pati na […]