Periodic check sa brake | Bandera

Periodic check sa brake

Leifbilly Begas, Lito Bautista - August 06, 2014 - 03:00 AM


KAILANGAN  ng periodic check ng brake pad at brake shoe ng motorsiklo. Para sa ating texter …3778, ng Barangay Bag-ong Lungsod, Tandag City, ang brake pad at shoe ay kailangang patingnan tuwing ika-1,000 kilometro sa normal na takbuhan.
Ibig sabihin, ang kanyang 125cc ay hindi dapat na-overload.

Pero sa sitwasyon ng ating texter, posibleng nakatikim na ng mabigat na karga ang kanyang motorsiklo dahil nilagyan niya ito ng compartment.

Kapag overloaded ang motorsiklo, nagdurusa ang braking system kapag pinahihinto ang sasakyan.  Bukod sa brake pad at shoe, nahihirapan din ang kable ng preno.

Madaling mapansin ang pagkalaspag ng kable kapag umaabot na ang hand lever sa handle bar, na hindi naman ganito noong una. Mas makabubuti kung papalitan ang brake cable kung nagkaganito dahil maaari itong maputol habang minamaneho ang sasakyan na magreresulta sa aksidente.

Madali ring nasisira ang pad at shoe kung madalas na paharurutin ang motorsiklo at habang tumatakbo ng mabilis ay biglang pepreno. May mga pagkakataon na nagja-jam din ang preno.

Hindi dapat na pabayaan ang brake pad at shoe. Kapag manipis na ang asbestos ng mga ito ay maaaring hindi kumapit ang preno. Pero hindi dapat na ang pad at shoe lang ang tingnan.

Kailangan ding ipasuri ang brake system lalo at maraming aksidente ang nangyayari kung hindi na maganda ang kondisyon nito. Ang pangunahing sanhi ng pagpalya ng preno ay kung mayroong leak.

Kahit na sa patag ay delikado itong ibiyahe. Sa pagpapatakbo ng motorsiklo, kailangan na parehong gumagana ang harap at likurang preno.

MOTORISTA

Maingay na motor
BAKIT halos 50% ng mga single motorcycle ngayon ay pinapalitan ang tambutso?  Nakakairita ang ingay, dapat ipagbawal ng LTO yan dahil nakasisira ng pandinig, lalo na sa mga bata.
…2958

BANDERA

TULAD mo, marami na ang naiirita sa maiingay na motor.  Kung bakit marami ang nagpapalit ng tambutso at ayaw ang tahimik o factory muffler, ito’y dahil sa uso.  Ang kabataan ay madaling sumabay sa uso, kung maaari ay ilang segundo lang ay sasabay na sila sa uso.  Nasa sikolohiya ito ng kabataan at inuunawa ito ng siyensiya at medisina.  Sa ating artikulo kamakailan ay ipinaliliwanag ang masamang epekto sa tenga at kalusugan ng maiingay na motor.

MAY reklamo ka ba sa E10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor
SWAP XRM 2010 0930-5854644

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.  Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending