Plug & sealing washer | Bandera

Plug & sealing washer

Leifbilly Begas, Lito Bautista - July 16, 2014 - 03:00 AM


NAGTATANONG ang ating texter ….3488 kung saan kaya nanggagaling ang langis na tumatagas sa kanyang motorsiklo.
Kung malinis ang engine block at wala itong maitim na langis na nahaluan ng alikabok at iba pang dumi maaaring nanggagaling ang tagas sa ilalim.

Maaaring suriin ang piston kung kailangan na nito ng rebore bagamat mukhang hindi pa dahil ang 125cc motorsiklo ng ating texter ay dalawang taon pa lamang. Lalo na kung hindi naman binago ang makina at tambutso nito.

Isa sa mga senyales na kailangan na ng rebore kung naiipon na ang langis at dumi sa dulo ng tambutso. Posible na ang kailangan lang tingnan ng ating texter ay ang mga sealing washer sa makina.

Maraming motorcycle rider na ipinauubaya na lamang ang change oil ng kanilang sasakyan sa mga mekaniko sa gilid ng kalsada na naniningil ng mura pero nagmamadaling matapos ang trabaho.

Ito ang dahilan kung bakit mas makabubuti kung marunong magpalit ng langis ang may-ari ng motosiklo upang matiyak na nahihigpitan nang mabuti ang drain plug at makikita niya ang kondisyon ng sealing washer.

Dapat ay palaging nasa magandang kondis-yon ang washer dahil maaari itong pagmulan ng pagtagas ng langis. Ayon sa manual ng 125cc na gawa ng isang Japanese company, dapat palitan ang sealing washer tuwing magpapalit ng langis.

Mura lang ang washer kaya marahil madali rin itong masira. Ang oil drain plug torque ay dapat ding nasa 25 N-m (2.5 kgf-m, 18 lbf-ft).

Matapos ang pagpapalit ng langis, dapat na paandarin ang motorsiklo at hayaan ng tatlo hanggang limang minuto, bagamat ang normal na ginagawa ay limang minuto.

Kapag pinahinto na ang sasakyan, makikita ang pag-iba ng lebel ng langis. Tignan ang ilalim ng sasakyan lalo na ang oil drain plug, sealing washer, at dipstick.

Dapat na tama ang taas ng langis dahil ang mababang lebel ay makasisira sa mga piyesa ng makina lalo na kung humaharurot palagi ang driver ng motorsiklo.

BANDERA
Tamang sprocket
ANO ang magandang  match engine sprocket at wheel sprocket para ayos ang hatak at hindi masyadong uugong ng makina ng Wave 100?
…7334

MOTORISTA
IBALIK mo na lang sa manufacturer’s specification.  Mahirap mag-modify ng higher sprockets sa Wave 100 dahil hindi na ito tutugma sa hatak ng makina, kaya uugong nga.  Ang 100cc engine ay kabilang sa klasipikasyon na low engine, na karaniwang angkop at gamit sa city driving.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending