MATINDI ang himutok ni Elections Commissioner Rowena Guanzon sa Smartmatic, ang technology provider na kinomisyon ng Comelec para sa nagdaaang presidential elections. Galit si Guanzon dahil sa pakikialam na ginawa ng Smartmatic sa script ng transparency server na ngayon ay nagdudulot ng kontrobersiya sa bilangan ng boto, partikular na sa mga naglalaban-laban sa pa-ngalawang pangulo. […]
NASA huling mga yugto na ng kampanya, at tatlong tulog na lang ay ihahalal na natin ang mga taong pinaniniwalaan nating magiging kapakinabangan ng bayan. Dahil iilang araw na nga lang ang nalalabi, ang tanong ay kung nakapagdesisyon ka na ba? Natimbang mo na ba ang mga taong paglalaanan mo ng pinakamahalaga mong boto? Sana […]
HULI man ng isang araw ay taus-pusong nagpupugay ang Bandera sa mga katropa nitong mga manggagawa na sakabila ng maliit na sweldo ay kayod-ka-labaw pa rin ang ginagawa para lang maitawid ang pamilya sa paraang marangal. At dahil nalalapit na ang halalan, isa sa pinakaaabangan ay kung ano kayang kinabukasan ang naghihintay sa mga manggagawa […]
ANG pait sa panlasa nang binitiwang joke nitong si presidential bet Davao City Mayor Rodrigo Duterte hinggil sa panggagahasa sa isang Australyanang misyonaryo na nangyari noong 1989. Sa isang youtube post na ngayon ay nagba-viral sa social media, maririnig ang alkalde na nais maging pangulo ng bansa ng ganito: “P***** i**, sayang ito. Ang nagpasok […]
ISA sa pinakamainit na isyu at masasabing isa sa pinakamalapit sa puso ng botante ngayon ay ang usapin ng kriminalidad at ang matinding paglaganap ng droga sa bansa. Mararamdaman mo ang desperasyon sa mamamayan ang naisin nito na masolusyunan ang problema sa peace and order. Kaya nga hindi na nakapagtataka kung marami sa ating mga […]
MABUTI naman at meron namang nagkusang mga politiko na makipag-ceasefire sa kani-kanilang mga kalaban bilang paggunita at paggalang sa Mahal na Araw. Tigil-bangayan at bakbakan ang pangako ng mga presidential bets na sina Senador Grace Poe at administration bet Mar Roxas. Pahinga muna rin sa pangangampanya para bigyang panahon ang pagtitika at makapag-reconnect sa kani-kanilang […]
IYAN marahil ang masasabi ngayon ng kampo ni presidential bet at Senador Grace Poe sa mga kalaban niya na talaga namang umasa at gumawa ng paraan para tuldukan ang kanyang hangarin na makatakbo sa pagkapangulo ngayong Mayo 9. “Beh, buti nga…” marahil ang kayang ibulalas ng mga taga-suporta ni Poe na nanindigan at hindi umiwan […]
MAINIT ang panawagan ng mga batang manggagawa sa mga tumatakbong pangulo ngayong darating na eleksiyon. Kung bakit nga naman daw tila kulang kung hindi man tuluyang wala man lang programa o polisiya na isinusulong ang mga tumatakbo sa pagkapangulo hinggil sa isyu na kinakaharap ng mga youth workers o sila na mga kabataang manggagawa. May […]
NAGBABALA ang isang grupo na nagsusulong ng karapatan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ngayon na posibleng magkaroon ng malawakang layoff sa Middle East dulot ng krisis sa enerhiya na dinaranas sa nasabing rehiyon. Halos isang milyong Overseas Filipino workers ang nasa Middle East ngayon at doon nagsusumikap para magkaroon ng maayos na buhay ang […]
TALAGA yatang wala nang natitirang kahihiyan ang marami nating mga politiko na humihingi sa atin ng tulong para sa nalalapit na halalan. Sakabila ng mga paulit-ulit na tagubilin at pakiusap ng Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na kung maaari ay huwag maging pasaway ngayong panahon ng kampanya, tila parang nanadya pa ang mga […]
ISANG tulog na lang at simula na nang maingay, magastos, magarbo, ma-intriga at mapanlinlang na campaign period para sa mga naglalaban-laban sa national position mula sa pangulo, pa-ngalawang pangulo, senador at partylist. Bubulaga na ang mga namumutiktik na tarpaulin, poster, streamer, komiks, polyetos, t-shirt, pamaypay, boller, key chain, sun visor, payong at kung ano-ano pang […]