Dumami ang mga pamilya na nakaranas na walang makain sa nakaraang tatlong buwan ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS). Ayon sa survey na isinagawa noong Disyembre 8-16, 15.9 porsyento o 3.6 milyong pamilya ang nagsabi na wala silang makain sa nakaraang tatlong buwan (12.2 porsyento ang nakaranas ng minsan lamang o mga ilang […]
UMALMA ang isang grupo ng mga alumni ng University of Sto. Tomas sa parangal na ibinigay kay Communications Assistant Secretary for social media Mocha Uson ng UST Alumni Association Inc. (USTAAI). Dahil dito, nais ng Alliance of Concerned Thomasians Alumni Association (ACT-Now) na bawiin ng USTAAI ang award na ibinigay nito sa kontrobersyal na opisyal […]
BINIGYAN si Communications Assistant Secretary Mocha Uson ng parangal ng University of Sto. Tomas, bagamat tinaasan naman ito ng kilay ng mga netizens. Tinanggap ni Uson ang UST alumni award for government service. Sa isang post sa Twitter ng Varsitarian, ang opisyal na pahayagan ng UST, sinabi nito na pinarangalan si Uson ng Thomasian Alumni […]
HUMANGA ang kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas sa naging karanasan matapos lumahok sa Fiesta Señor sa Cebu City sa unang pagkakataon. Naghintay si Archbishop Gabriele Giordano Caccia, Apostolic Nuncio to the Philippines, sa Basilica Minore del Sto. Niño noong Sabado matapos siyang dumating sa Queen City of the South para panoorin ang apat-na-oras na […]
Naitala ng gobyerno ni Pangulong Duterte ang pinakamataas na net satisfaction rating sa survey ng Social Weather Station mula noong 1989. Ayon sa survey na isinagawa mula Disyembre 8-16, nakapagtala ang Duterte government ng net satisfaction rating na 70 porsyento (79 porsyentong satisfied, 9 porsyentong dissatisfied at 12 undecided). Mas mataas ito […]
INARESTO ang isang Indian national matapos umanong makipag-sex sa tatlong baka. Kinilala ng Varnama police ang lalaki na si Rathodiya matapos umano ang “unnatural sex” sa tatlong baka, ayon sa ulat ng Times ng India. Natagpuang patay ang isa sa mga baka dahil sa pangyayari, na naganap sa pagitan ng Linggo ng gabi at Lunes […]
Nabawasan ang bilang ng mga pamilya na nagsabi na sila ay mahirap batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS). Sa survey noong Disyembre, 44 porsyento o 10 milyong pamilya ang nagsabi na sila ay mahirap mas mababa ng tatlong porsyento sa naitala sa survey noong Setyembre na 47 porsyento o 10.9 milyong […]
TUMAAS ng 16 porsiyento ang trust rating ni Vice President Leni Robredo sa survey ng Social Weather Station, at dahil diyan mula sa “good” ay umakyat sa “very good” ang rating ng pangalawang pangulo. Mas malaki ng isang puntos ang itinaas ni Robredo kay Pangulong Duterte pero nanataling ang presidente pa rin ang pinagkakatiwalaan sa […]
IPINAG-UTOS ng Securities and Exchange Commission (SEC) na bawiin ang lisensiya ng online news site na Rappler para magsagawa ng operasyon. Sa 29-pahinang desisyon na may petsang Enero 11, iginiit ng SEC na nilabag ng Rappler, Inc. at ng shareholder nito na Rappler Holdings Corp. ang probisyon ng Konstitusyon kaugnay ng pagbabawal sa mga banyaga […]
ALAM mo ba na ang matagal na pag-upo ay masama sa iyong kalusugan? Base sa bagong pag-aaral, nakahanap sila ng dagdag na ebidensiya na hindi talaga mahusay sa katawan o kalusugan ang matagal na pag-upo, lalo pa’t ito pala ang dahilan kung bakit nagiging fatty o mataba ang internal organs ng isang tao. Sa ginawang […]
ITINAAS ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang Alert Level 2 sa Bulkang Mayon. “This serves as a notice for the raising of Mayon Volcano’s status from Alert Level 1 (abnormal) to Alert Level 2 (increasing unrest),” saad ng advisory ng Phivolcs. Ayon sa Phivolcs nagkaroon ng isang steam driven […]