DU30 admin nakapagtala ng pinakamataas na net satisfaction rating-SWS | Bandera

DU30 admin nakapagtala ng pinakamataas na net satisfaction rating-SWS

Leifbilly Begas - January 18, 2018 - 06:22 PM

   Naitala ng gobyerno ni Pangulong Duterte ang pinakamataas na net satisfaction rating sa survey ng Social Weather Station mula noong 1989.

     Ayon sa survey na isinagawa mula Disyembre 8-16, nakapagtala ang Duterte government ng net satisfaction rating na 70 porsyento (79 porsyentong satisfied, 9 porsyentong dissatisfied at 12 undecided).

     Mas mataas ito sa 58 porsyento na naitala sa survey noong Setyembre 2017. Ito ang pinakamababang net satisfaction rating ng kasalukuyang gobyerno.

     Sa pinakahuling survey, naitala sa National Capital Region ang 71 porsyentong net satisfaction rating; iba pang bahagi ng Luzon ay 67 porsyento, sa Visayas ay 57 porsyento at Mindanao ay87 porsyento.

     Pinakamataas ang net satisfaction rating ng gobyerno sa Class D (71 porsyento), sinundan ng Class E (66 porsyento) at Class ABC (62 porsyento).

     Sa survey noong Setyembre 2016—ang unang survey sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon–  ang administrasyong Duterte ay nakapagtaya ng net rating na 66 porsyento.

     Ang pinakamataas na net rating ng Aquino government ay 66 porsyento na naitala noong Hunyo 2013, ang Arroyo government ay 27 porsyento, Estrada administration ay 36 porsyento, ang Ramos government ay 32 porsyento, at Cory Aquino government 23 porsyento.

     Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents. May error of margin ito na plus/minus 3 porsyento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending