Trust rating ni Leni Robredo ‘very good’ na – SWS
TUMAAS ng 16 porsiyento ang trust rating ni Vice President Leni Robredo sa survey ng Social Weather Station, at dahil diyan mula sa “good” ay umakyat sa “very good” ang rating ng pangalawang pangulo. Mas malaki ng isang puntos ang itinaas ni Robredo kay Pangulong Duterte pero nanataling ang presidente pa rin ang pinagkakatiwalaan sa apat na pinakamataas na lider ng bansa. Sa survey na isinagawa noong Disyembre 8-16, si Robredo ay nakapagtala ng 52 porsiyentong net trust rating (66 porsiyentong napakalaki at medyo pinagkakatiwalaan, 14 porsiyentong medyo maliit o napakaliit na tiwala at 20 porsiyentong undecided). Sa kaparehong survey si Duterte ay nakapagtala ng 75 porsiyentong net trust rating (83 porsiyentong napakalaki at medyo pinagkakatiwalaan, 7 porsiyentong medyo maliit o napakaliit na tiwala at 10 porsiyentong undecided). Pinakamarami ang nagtitiwala kay Robredo sa Visayas (77). Nakapagtala naman siya ng 51 sa National Capital Region, 68 sa iba pang bahagi ng Luzon at 63 sa Mindanao. Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents o tig-300 sa NCR, iba pang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao. Mayroon itong 3 porsiyentong error of margin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.