Mahirap 10M pamilya na lang-SWS | Bandera

Mahirap 10M pamilya na lang-SWS

Leifbilly Begas - January 17, 2018 - 05:02 PM

 Nabawasan ang bilang ng mga pamilya na nagsabi na sila ay mahirap batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS).     Sa survey noong Disyembre, 44 porsyento o 10 milyong pamilya ang nagsabi na sila ay mahirap mas mababa ng tatlong porsyento sa naitala sa survey noong Setyembre na 47 porsyento o 10.9 milyong pamilya.     Pinakamarami ang nagsabi na mahirap sila sa Mindanao na naitala sa 52 porsyento mula sa 45 porsyento. Bumaba naman ang mga nagsabi na mahirap sila sa Metro Manila ay 28 porsyento mula sa 31, Visayas mula 56 ay naging 53 at sa iba pang bahagi ng Luzon na bumaba sa 40 porsyento mula sa 50.     Hindi naman nagbago ang 32 porsyento o 7.3 milyong pamilya na nagsabi na pangmahirap ang kanilang pagkain.     Sa NCR ang mga nagsabi na pangmahirap ang kanilang pagkain ay 22 porsyento tumaas ng dalawang porsyento. Sa iba pang bahagi ng Luzon ay nanatili sa 32 porsyento, sa Visayas ay 32 porsyento mula sa 38 at sa Mindanao ay 36 porsyento mula sa 34.     Upang masabi na hindi sila mahirap, dapat ay may panggastos sa bahay ang isang pamilya na P15,000 kada buwan. Ang kulang umano ngayon ay P5,000.       Ang survey ay ginawa mula Disyembre 8 hanggang 16 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending