GUMAWA ng bagong record si Caleb Stuart para pangunahan ang paghakot ng gintong medalya ng Pilipinas kahapon sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore. Naihagis ng Fil-Am na si Stuart ang hammer sa layong 65.63 metro upang burahin ang dating SEAG record na 62.23 metro na ginawa ni Tantipong Phetchaiya ng Thailand noong 2013 sa […]
NASA target ang shooter na si Elvie Baldivino para ibigay ang ginto sa women’s precision pistol na pinaglabanan kahapon sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore. Ang 34-anyos kasapi ng Philippine Navy na si Baldivino ay pumangalawa sa qualifying round (140) at pumangalawa rin sa semifinals (230) para makuha ang karapatang labanan ang hometown bet […]
NAGBUNGA agad ang unang paglahok sa Southeast Asian Games nina Claire Adorna at Marion Kim Mangrobang nang angkinin ang unang dalawang puwesto sa isinagawang 28th SEA Games women’s triathlon kahapon sa East Coast Park sa Singapore. Ang 21-anyos dating manlalangoy ng University of the Philippines na si Adorna ang siyang kinilala bilang kauna-unahang gold medalist […]
MAGKAKAROON ng pagkakataon ang mga lady triathletes na sina Kim Marion Mangrobang at Claire Adorna na bigyan ng kauna-unahang ginto ang Pilipinas sa opisyal na paglarga ng kompetisyon sa 28th Southeast Asian Games sa East Coast Park sa Singapore. Sa ganap na alas-8 ng umaga gagawin ang 1.5k swim, 40k bike at 10k run women’s […]
Mga Laro sa Lunes (Ynares Sports Arena) 1 p.m. Hapee vs Cebuana Lhuilllier 3 p.m. Cagayan vsCafé France NANUMBALIK ang bangis ng Hapee para angkinin ang huling upuan sa 2015 PBA D-League Foundation Cup semifinals sa 75-64 panalo sa Jumbo Plastic kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Dinoble nina Troy Rosario at Chris […]
ISA pang pilak at tansong medalya ang naibigay ng national fencers habang nakapag-uwi ng pilak si table tennis player Richard Gonzales sa pagpapatuloy ng 28th Southeast Asian Games sa Singapore kahapon. Hindi napangalagaan ng 31-anyos na si Harlene Raguin ang 5-3 kalamangan matapos ang ikalawang round sa tatlong round na tunggalian para matalo pa kay […]
KINUHA ni Justine Gail Tinio ang taguri bilang kauna-unahang atleta ng Pilipinas na nanalo ng medalya sa 28th Southeast Asian Games nang napanalunan ang pilak sa fencing competition na nagbukas kahapon sa OCBC Arena Hall 2 sa Singapore. Ang 19-anyos na si Tinio, na kinalos sina May Tinzar Kyaw ng Myanmar (15-13) at mga Vietnamese […]
Laro Ngayon (Ynares Sports Arena) 3 p.m. Jumbo Plastic vs Hapee HULING upuan sa semifinals ang paglalabanan ngayon ng Hapee at Jumbo Plastic sa pagtatapos ng 2015 PBA D-League Foundation Cup quarterfinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Ang do-or-die game ay magsisimula sa ganap na alas-3 ng hapon at ang mananalo ang siyang […]
MADIDISMAYA ang pamunuan ng volleyball sa bansa kung hindi makapag-uuwi ng medalya ang Philippine women’s team sa nalalapit na 28th Southeast Asian Games sa Singapore. Sa pagdalo kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate ni Tony Boy Liao, ang commissioner ng V-League na tumutulong sa pagbuo ng men’s at women’s volleyball teams para sa SEA […]
MAY panghihinayang si Kenneth Duremdes matapos pormal na alisin ng Adamson Soaring Falcons bilang head coach sa 78th UAAP season. Si Duremdes ay pumasok sa koponan noong Season 76 at tatlong taon ang kanyang pinirmahang kontrata. “Medyo untimely,” wika ni Duremdes sa desisyon na alisin siya sa team. “Three-year program ang inilatag bilang first year […]
Laro sa Huwebes (Ynares Sports Arena) 3 p.m. Jumbo Plastic vs Hapee UMABANTE na ang Cagayan sa semifinals nang matakasan nila ang AMA University, 107-103, sa overtime sa 2015 PBA D-League Foundation Cup quarterfinals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Sinandalan ng Rising Suns ang naglalagablab na opensa ni Don Trollano sa overtime […]