Hapee, Jumbo Plastic agawan sa huling semis spot | Bandera

Hapee, Jumbo Plastic agawan sa huling semis spot

Mike Lee - June 04, 2015 - 12:00 PM

Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
3 p.m. Jumbo Plastic vs Hapee

HULING upuan sa semifinals ang paglalabanan ngayon ng Hapee at Jumbo Plastic sa pagtatapos ng 2015 PBA D-League Foundation Cup quarterfinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Ang do-or-die game ay magsisimula sa ganap na alas-3 ng hapon at ang mananalo ang siyang makakalaban ng Cebuana Lhuillier sa best-of-three semifinals.

Nagkaroon ng sudden-death nang hiritan ng Giants ang Fresh Fighters ng 87-83 panalo noong Lunes.

Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng tropa ni Jumbo Plastic coach Stevenson Tiu sa bataan ni Hapee coach Ronnie Magsanoc sa conference upang magkaroon ng momentum sa mahalagang tagisan na ito.

“We have reached this far and it’s now up to them to prove they belong in this league,” wika ni Tiu.

Ang bagong hugot na si Jiovani Jalalon na may 11 puntos sa huling tagisan, tampok ang isang steal, isang assist at dalawang puntos sa huling minuto ng laro para tabunan ng koponan ang 82-78 bentahe ng katunggali, ang sasandalan uli para maipanalo ang laro.

Sa kabilang banda, aasa si Magsanoc sa championship experience ng mga players upang hindi agad na matapos ang kampanya sa liga.

Inaasahang babangon si Ola Adeogun mula sa masamang paglalaro sa second half habang ang mga bench players ay dapat na maghatid ng puntos para tapatan ang mga pamalit ng Giants.

Ang 6-foot-7 na si Adeogun ay may 17 puntos at 18 rebounds pero dalawang puntos at anim na rebounds lamang ang kanyang ginawa sa second half habang ang bench ay dinurog ng mga katapat, 11-58.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending