PINAS MAY TSANSA SA SEAG WOMEN’S VOLLEY | Bandera

PINAS MAY TSANSA SA SEAG WOMEN’S VOLLEY

Mike Lee - June 03, 2015 - 03:00 AM

seag volley

MADIDISMAYA ang pamunuan ng volleyball sa bansa kung hindi makapag-uuwi ng medalya ang Philippine women’s team sa nalalapit na 28th Southeast Asian Games sa Singapore.
Sa pagdalo kahapon sa PSA Forum sa Shakey’s Malate ni Tony Boy Liao, ang commissioner ng V-League na tumutulong sa pagbuo ng men’s at women’s volleyball teams para sa SEA Games, sinabi niya na maganda ang tsansa ng koponan sa kababaihan dahil bukod sa mahuhusay ang mga ipadadalang manlalaro ay pabor din sa bansa ang format ng kompetisyon.
Di tulad sa mga nakalipas na edisyon na kung saan pinaglalabanan pa ang bronze medal, ang torneyo sa Singapore ay magbibigay ng dalawang awtomatikong bronze medals sa mga teams na matatalo sa semifinals.
“For sure, it’s going to be a let-down (if we don’t win a medal),” wika ni Liao na sinamahan sa PSA Forum nina LVPI secretary-general Ricky Palou at Moying Martelino.
“Important game for us is against Indonesia on June 10. If we win our first game, fighting for bronze na tayo dahil hindi malakas ang Malasyia at kaya natin iyan,” dagdag ni Liao.
Nasa Group B ang Pilipinas kasama ang Indonesia, Malaysia at Vietnam. Ang nagdedepensang kampeong Thailand, host Singapore at Myanmar ang magkakasama sa Group A.
Ang koponang hawak ni national coach Roger Gorayeb ay aalis patungong Singapore bukas.
Matapos ang opening ceremony sa Biyernes na kung saan si Alyssa Valdez ang flag-bearer ng pambansang delegasyon, balik-ensayo ang koponan mula Hunyo 6 hanggang 9 para mapaghandaan ang unang laro kontra Indonesia.
Kung palaban sa medalya ang women’s team, suntok sa buwan naman ang kakayahan ng men’s team na makakuha ng medalya.
Ito ay dahil hindi nakuha ng koponan ang ibang mahuhusay na manlalaro na inimbitahan dahil sa naunang gusot sa liderato ng volleyball sa bansa.
“Hirap na hirap kami sa men’s team. A lot of them declined and some players we wanted did not join the team, wala kaming magawa. Mas malakas sana kung nakuha namin ang mga players na gusto namin,” sabi ni Palou.
Nasa Group A ang PH men’s team kasama ang Thailand, Malaysia at Myanmar. —Mike Lee

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending