PH fencers kumubra ng silver at bronze | Bandera

PH fencers kumubra ng silver at bronze

Mike Lee - June 05, 2015 - 12:00 PM

ISA pang pilak at tansong medalya ang naibigay ng national fencers habang nakapag-uwi ng pilak si table tennis player Richard Gonzales sa pagpapatuloy ng 28th Southeast Asian Games sa Singapore kahapon.

Hindi napangalagaan ng 31-anyos na si Harlene Raguin ang 5-3 kalamangan matapos ang ikalawang round sa tatlong round na tunggalian para matalo pa kay 2011 SEA Games gold medalist at 27-anyos na si Tran Thi Len ng Vietnam, 7-11, sa finals ng women’s individual epee.

Nakapasok sa finals si Raguin nang nanalo sa kababayang si Hanniel Abella, 15-12, sa quarterfinals bago isinunod si Rania Herlin Rahardja ng Singapore sa 15-10 iskor sa semifinals.

Ito ang ikalawang pilak ng fencing team matapos ang pangalawang puwestong pagtatapos ni Justine Gail Tinio sa women’s individual foil noong Miyerkules.

Nagbigay naman ng tanso si Nathaniel Perez na naunahan ni Nguyen Mihn Quang ng Vietnam sa mahalang puntos para tanggapin ang 13-15 pagkatalo sa semifinals sa men’s individual foil.

Nakapasok naman sa finals ang 44-anyos na si Gonzales nang bumangon mula sa 1-3 iskor at angkinin ang 11-4, 10-12, 8-11, 9-11, 11-9, 11-4, 12-10 panalo sa best-of-seven semifinals kontra kay Chew Zhe Yu ng Singapore.

Hindi natalo sa apat na laro sa Group C matapos pataubin din si R. Muhamad ng Malaysia, 11-2, 11-4, 11-3, kahapon ng umaga, kalaro ni Gonzales sa finals ang naturalized Chinese player at number 15 sa mundo na si Gao Ning.

Hindi naman nakaporma si Gonzales sa 32-anyos na two-time Olympian na si Gao na nagwagi sa kanilang gold medal match, 11-6, 11-9, 9-11, 11-8, 11-3.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending