NASAWI ang sanggol na lalaki nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Cainta, Rizal, Miyerkules ng gabi. Nakilala ang biktima bilang si Andrei Bronosa, 1 taon at 3 buwang gulang, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang insidente alas-8:22 sa Masipag st., Riverside2, Brgy. Sto. Domingo. Umalis ng bahay ang ina ng […]
NASAWI ang 22-anyos na babae matapos pagbabarilin ng manliligaw na kanyang binasted, sa Zamboanga City, Huwebes ng gabi, ayon sa pulisya. Ikinasawi ni Aliya Moore, residente ng Logoy Grande, Brgy. Talon-Talon, ang apat na tama ng bala sa kaatawan, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police. Naganap ang insidente dakong alas-8, sa Marlboro drive, […]
INARESTO ang 38-anyos na lalaki sa Cauayan City, Isabela, Biyernes ng umaga, para sa 31bilang ng kasong rape, ayon sa pulisya. Nadakip ang suspek na si Dennis Terrinal, itinuturing na number 1 most wanted person ng lungsod, sa Brgy. Cabaruan dakong alas-8:30, ayon sa ulat ng Isabela provincial police. Dinampot siya sa bisa ng warrant […]
SUGATAN ang isang radio reporter at katrabaho nyang news writer nang sumalpok sa kalabaw ang sinakyan nilang motorsiklo, sa San Manuel, Isabela, Huwebes ng umaga. Nakilala ang dalawa bilang sina Alfredo Iringan, 30, at Margie Madria, 22, reporter at news writer ng Brigada News FM, ayon sa pagkakasunod, batay sa ulat ng Isabela provincial police. […]
NASAWI ang isang barangay kagawad matapos pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa harap ng kanyang bahay, sa Biñan City, Laguna, Martes ng gabi. Dead on arrival sa ospital si Romeo Manalo, residente’t kagawad ng Brgy. Dela Paz, dahil sa mga tama ng bala sa katawan, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. Naganap ang […]
NASAGIP ang 15-anyos na dalagitang ginawa umanong sex slave at naaresto ang dalawang suspek, sa magkakasunod na operasyon sa Baliwag, Bulacan, nitong Linggo. Unang nasagip ang dalagita sa isang lodge sa Brgy. Bagong Nayon, dakong alas-10:25 ng gabi, ayon sa ulat ng Bulacan provincial police. Naaresto naman ang mga suspek na sina Crisffer Cruz, 30; […]
DALAWANG tao ang naiulat na nawawala sa gitna ng mga pagbahang dulot ng bagyong “Falcon” sa hilagang Luzon, ayon sa mga otoridad. Pinaghahanap pa sina Carlos Sedong, 46, ng Gattaran; at Judith Berbano, 42, ng Abulug, ayon sa ulat ng Office of Civil Defense-Cagayan Valley. Nawala si Sedong noong Martes ng hapon, nang subukang tumawid […]
MULING naaresto ang isang dating miyembro ng grupong Sexbomb, pati ang dalawang tao, nang makuhaan ng P40,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa San Pablo City, Laguna, Martes ng gabi. Kabilang sa mga nadakip si Sheena Joanna Uypico, 34, dating miyembro ng Sexbomb, ani Col. Eleazar Matta, direktor ng Laguna provincial police. Naaresto […]
NASAWI ang isang ginang habang sugatan ang kanyang mister nang pagbabarilin sa loob ng kanilang kubo sa Umingan, Pangasinan, Lunes ng gabi. Dead on arrival sa ospital si Elvera Sobremonte, 42, dahil sa tama ng bala sa tiyan, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police. Nagpapagaling pa sa ospital ang mister niyang si Warlito, 43, […]
ISINAILALIM sa “red alert” ang operations center ng Cagayan Valley Regional Disaster Risk Reduction and Management Council para sa mga posibleng epekto ng pagtama ng bagyong “Falcon” sa rehiyon. Itinaas ang alerto alas-6 ng umaga Martes, kasabay ng pag-atas sa lahat ng lokal na disaster risk reduction and management council sa Batanes, Cagayan, at Isabela […]
ARESTADO ang isang model-actor at kasama niyang babae nang makuhaan ng P457,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation sa Taguig City, Martes ng umaga. Nadakip sina Aaron Cruz, naging model-actor at product endorser sa pamamagitan ng isang talent search sa telebisyon, at kasamang si Geraldine Vitto, 22, ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency […]