Bebot dinedo ng binasted na manliligaw | Bandera

Bebot dinedo ng binasted na manliligaw

John Roson - August 02, 2019 - 03:56 PM

NASAWI ang 22-anyos na babae matapos pagbabarilin ng manliligaw na kanyang binasted, sa Zamboanga City, Huwebes ng gabi, ayon sa pulisya.

Ikinasawi ni Aliya Moore, residente ng Logoy Grande, Brgy. Talon-Talon, ang apat na tama ng bala sa kaatawan, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-8, sa Marlboro drive, Brgy. Calarian (lower).

Tumakas ang suspek na si Aladin Asadil, residente ng naturang barangay, matapos ang insidente at pinaghahanap pa habang isinusulat ang istoryang ito.

Naniniwala ang mga imbestigador na ang insidente’y isang “crime of passion.”

“Ito daw lalaki ay nanliligaw doon sa babae. Kagabi binasted siya nung babae, kaya siguro nag-init ang ulo,” sabi ng isang pulis sa lungsod.

Nakatagpo ang pulisya ng tatlong basyo’t dalawang slug ng kalibre-.45 pistola, sa crime scene.

Dinala pa si Moore sa Brent Hospital matapos ang insdente, at sa una’y nasa kritikal na kondisyon.

Nakuha ng mga miyembro ng City Police Station 8(Sinunuc) ang kanyang dying declaration bago siya binawian ng buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending