Radio reporter, news writer sugatan sa pagsalpok ng motorsiklo sa kalabaw | Bandera

Radio reporter, news writer sugatan sa pagsalpok ng motorsiklo sa kalabaw

John Roson - August 01, 2019 - 03:44 PM

SUGATAN ang isang radio reporter at katrabaho nyang news writer nang sumalpok sa kalabaw ang sinakyan nilang motorsiklo, sa San Manuel, Isabela, Huwebes ng umaga.

Nakilala ang dalawa bilang sina Alfredo Iringan, 30, at Margie Madria, 22, reporter at news writer ng Brigada News FM, ayon sa pagkakasunod, batay sa ulat ng Isabela provincial police.

Naganap ang aksidente sa bahagi ng National Highway na sakop ng Brgy. Nueva Era, dakong alas-5:20.

Binabagtas nina Iringan at Madria ang southbound lane ng highway nang masalpok ng motor na minaneho ng una ang isang kalabaw, ayon sa ulat.

Bigla na lang umanong tumawid ng kalsada ang malaking hayop kaya di na ito naiwasan.

Kapwa nagtamo ng pinsala ang dalawang sakay ng motor at dinala ng mga rescuer sa Manuel A. Roxas District Hospital sa bayan ng Roxas, para malunasan.

Walang umanong malay ang driver ng motor nang dalhin sa pagamutan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending