INARESTO ang 38-anyos na lalaki sa Cauayan City, Isabela, Biyernes ng umaga, para sa 31bilang ng kasong rape, ayon sa pulisya.
Nadakip ang suspek na si Dennis Terrinal, itinuturing na number 1 most wanted person ng lungsod, sa Brgy. Cabaruan dakong alas-8:30, ayon sa ulat ng Isabela provincial police.
Dinampot siya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Cauayan City Regional Trial Court Branch 20 Judge Reymundo Aumentado para sa 31bilang ng rape. Walang nirekomendang piyansa sa kaso.
Isinampa ang kaso noong 2013 at nag-ugat sa reklamo ng stepdaughter ni Terrinal, ayon sa pulisya.
Dinala si Terrinal, isang construction worker na mula Brgy. Poblacion-District 1, sa city police station para madokumento bago iharap sa korte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.