NASAWI ang sanggol na lalaki nang lamunin ng apoy ang kanilang bahay sa Cainta, Rizal, Miyerkules ng gabi.
Nakilala ang biktima bilang si Andrei Bronosa, 1 taon at 3 buwang gulang, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police.
Naganap ang insidente alas-8:22 sa Masipag st., Riverside2, Brgy. Sto. Domingo.
Umalis ng bahay ang ina ng sanggol ngunit bumalik makaraan lang ang ilang minuto at natagpuang nasusunog na ang kanilang bahay, ayon sa ulat.
Natagpuan ang bangkay ng sanggol sa mezzanine matapos maapula ng mga bumbero ang apoy.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsalang dulot nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.