NASAWI ang isang lalaki nang maaksidente habang nagtatrabaho sa lugar na pinagtatayuan ng isang Philippine offshore gaming operation (POGO) hub sa Kawit, Cavite, nitong Martes. Idineklarang patay sa ospital si Manuel Oli, 32, trabahador sa SPARC construction site na nasa compound ng dating Island Cove resort sa Brgy. Pulvorista, ayon sa ulat ng Calabarzon regional […]
NAARESTO ang isang grade 11 student na inireklamo para sa diumano’y paghalay sa isang nakababatang estudyante, nang magsagawa ng operasyon ang pulisya sa Pila, Laguna, Huwebes ng hapon. Nadakip si Jimwell De Leon, 18, sa entrapment na isinagawa sa isang resort sa Brgy. Sta Clara Norte dakong alas-4:30, ayon sa ulat ng Calabarzon regional police. […]
ARESTADO ang dalawang lalaki nang maaktuhang nagde-deliver ng P540,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Batangas City, Huwebes ng gabi. Nadakip sina Ruel Casao, 47, at Warren Villena, 41, sa entrapment na isinagawa sa Brgy. Balagtas, pasado alas-7, ayon sa ulat ng Batangas provincial police. Nakumpiska sa dalawa, na kapwa sakay ng isang Toyota Corolla, […]
NASAWI ang isang sundalo habang dalawa pang tao ang nasugatan nang magsalpukan ang isang trak at van sa Gamu, Isabela, Biyernes ng umaga. Dead on arrival sa ospital si SSgt. Magno Taguitag, 38, tubong Kalinga at miyembro ng Army, ayon sa ulat ng Isabela provincial police. Sugatan naman ang kasama ni Taguitag sa van na […]
NASAWI ang 44-anyos na ginang sa San Francisco, Quezon, nang pagtatagain ng kanyang mister dahil umano sa mga “bulong” na nadidinig ng huli. Agad ikinasawi ni Josephine Rosales, tubong San Pascual, Masbate, ang mga pinsalang dulot ng itak na ginamit ng asawang si Candido, 56, ayon sa ulat ng Quezon provincial police. Naganap ang insidente […]
NATAGPUANG patay ang 10-anyos na bata matapos umanong sagpangin ng buwaya sa Balabac, Palawan. Nadiskubre na lang ng mangingisda ang ulo at kanang binti ni Milhasan Suraping sa mga bakawan sa Sitio Tagpanasan, Brgy. Salang, Lunes ng gabi, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police. Bago ito, inulat sa pulisya ni Robinsio Suraping, ama ng […]
NATAGPUANG patay ang negosyante at kanyang saleslady sa loob ng isang sasakyan sa Roxas, Isabela, Martes ng umaga, matapos diumanong magbaril. Ikinasawi ni Tomas Greycochia, 59, ang tama ng bala sa kanang sentido, habang bala sa kaliwang sentido ang ikinamatay ni Cristina Gragasin, 19, sabi sa Bandera ni Maj. Arturo Cachero, officer-in-charge ng Roxas Police. […]
NAILIGTAS ang 59 pasahero matapos lumbog ang isang pampasaherong bangka na kanilang sinasakyan sa karagatan ng Calbayog City, Samar, Lunes ng umaga. Kabilang sa mga nailigtas ay 52 pasahero at pitong crew ng M/B Miar Romces, ayon sa ulat mula sa Eastern Visayas regional police. Nangyari ang insidente sa karagatan malapit sa Brgy. Matobato, ganap […]
NASAWI ang matandang babae at sugatan ang kanyang apo nang tamaan ng landslide ang kanilang bahay sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Buguias, Benguet, Linggo ng gabi. Nasawi si Gloria Langawan, 72, habang nagtamo ng mga pinsala ang apo niyang si Ben, 10, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Naganap ang insidente dakong […]
WALANG tumama sa P95.1 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Linggo ng gabi. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumama sa winning number combination na 46-05-32-31-12-27. Lalapit sa P100 million mark ang jackpot prize ng Ultra Lotto sa bola nito sa Martes ng gabi. Nanalo naman ng tig-P167,520 ang limang mananaya […]
NASAWI ang 56-anyos na ginang nang mabagok makaraang lumundag sa sinakyan niyang jeepney sa San Mariano, Isabela, nitong Linggo. Nakilala ang nasawi bilang si Amelita Etchore, residente ng Brgy. Casala, ayon sa ulat ng Isabela provincial police. Naganap ang insidente sa Sitio Namacalan ng naturang barangay dakong alas-8 ng umaga, ngunit gabi na nang maiulat […]