Lola patay, apo sugatan sa landslide sa Benguet

By John Roson August 12,2019
share this

Lola patay, apo sugatan sa landslide sa Benguet

By John Roson August 12,2019
share this

NASAWI ang matandang babae at sugatan ang kanyang apo nang tamaan ng landslide ang kanilang bahay sa kasagsagan ng malakas na ulan sa Buguias, Benguet, Linggo ng gabi.

Nasawi si Gloria Langawan, 72, habang nagtamo ng mga pinsala ang apo niyang si Ben, 10, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-10, sa Upper Cotcot, Brgy. Bangao.

Natutulog si Langawan at kanyang apo sa loob ng bahay nang, dahil sa malakas na ulan, ay bahagyang natabunan ang tahanan, ayon sa ulat.

Dinala ang bata sa Lutheran Hospital para malunasan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending