Trader, saleslady natagpuang patay sa kotse | Bandera

Trader, saleslady natagpuang patay sa kotse

John Roson - August 13, 2019 - 07:06 PM

NATAGPUANG patay ang negosyante at kanyang saleslady sa loob ng isang sasakyan sa Roxas, Isabela, Martes ng umaga, matapos diumanong magbaril.

Ikinasawi ni Tomas Greycochia, 59, ang tama ng bala sa kanang sentido, habang bala sa kaliwang sentido ang ikinamatay ni Cristina Gragasin, 19, sabi sa Bandera ni Maj. Arturo Cachero, officer-in-charge ng Roxas Police.

Si Greycochia ay balo at may-ari ng isang footwear shop kung saan nagsisilbi bilang saleslady si Gragasin, aniya.

Nadiskubre na lang ang mga labi ng dalawa sa loob ng isang Toyota pick-up (AJA-1218) na nakahimpil di kalayuan sa paradahan ng isang motel sa Brgy. San Antonio pasado alas-7.

Nakatagpo ng isang kalibre-.9mm pistola malapit sa bangkay ni Greycochia sa driver’s seat, habang may natagpuan ding dalawang basyo ng parehong baril sa loob ng sasakyan.

Magktabi sa unahan ng sasakyan sina Greycochia at Gragasin, at parehong naka-recline ang kanilang mga upuan.

“May nakapagsabi na 11 o’clock pa lang ng gabi, kasagsagan ng ulan, ay nakita na doon yung sasakyan. Nang puntahan naman namin matapos mai-report, umaandar pa ang makina,” ani Cachero.

Habang isinusulat ang istoryang ito’y sinusuri pa ang mga bangkay upang matiyak kung sadyang nagbaril sina Greycochia at Gragasin, o isa lang sa kanila ang nagpaputok.

Kakapanayamin din ng mga imbestigador ang kaanak ng dalawa, pati ang mga tauhan ng kalapit na motel, upang malaman kung may relasyon o namagitan sa dalawa, ani Cachero.

“Sa ngayon hindi namin inaalis pa na crime of passion ang nangyari kasi widower at single ang involved,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending