Bangka lumubog sa karagatan ng Calbayog: 59 na-rescue

By John Roson August 12,2019
share this

Bangka lumubog sa karagatan ng Calbayog: 59 na-rescue

By John Roson August 12,2019
share this


NAILIGTAS ang 59 pasahero matapos lumbog ang isang pampasaherong bangka na kanilang sinasakyan sa karagatan ng Calbayog City, Samar, Lunes ng umaga.

Kabilang sa mga nailigtas ay 52 pasahero at pitong crew ng M/B Miar Romces, ayon sa ulat mula sa Eastern Visayas regional police.

Nangyari ang insidente sa karagatan malapit sa Brgy. Matobato, ganap na alas-11:30 ng umaga.

Kaaalis pa lamang ng M/B Miar Romces sa Calbayog City port sa Brgy. Aguit-itan, nang lumubog ito dahil sa malalaking alon bunsod ng habagat, ayon pa sa ulat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending