Bata nilapa ng buwaya

By John Roson August 14,2019
share this

Bata nilapa ng buwaya

By John Roson August 14,2019
share this

NATAGPUANG patay ang 10-anyos na bata matapos umanong sagpangin ng buwaya sa Balabac, Palawan.

Nadiskubre na lang ng mangingisda ang ulo at kanang binti ni Milhasan Suraping sa mga bakawan sa Sitio Tagpanasan, Brgy. Salang, Lunes ng gabi, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police.

Bago ito, inulat sa pulisya ni Robinsio Suraping, ama ng biktima, na inatake ng buwaya ang anak habang pauwi sakay ng bangka noong Linggo ng gabi.

Nagtungo umano sa tindahan si Milhasan at mga kapatid na sina Lokan, 12, at Marlina, 15, ngunit habang pauwi’y sinagpang ng buwaya ang una, na noo’y nakaupo sa likod ng maliit na bangka.

Hinanap ni Robinsio at mga kapitbahay si Milhasan hanggang Lunes ng madaling-araw, ngunit di ito natagpuan hanggang sa madiskubre ng mangingisdang Ajalong Amalong ang mga labi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending