Ginang lumundag sa jeep, patay | Bandera

Ginang lumundag sa jeep, patay

John Roson |August 12,2019
facebook
share this

Ginang lumundag sa jeep, patay

John Roson - August 12, 2019 - 03:31 PM

NASAWI ang 56-anyos na ginang nang mabagok makaraang lumundag sa sinakyan niyang jeepney sa San Mariano, Isabela, nitong Linggo.

Nakilala ang nasawi bilang si Amelita Etchore, residente ng Brgy. Casala, ayon sa ulat ng Isabela provincial police.

Naganap ang insidente sa Sitio Namacalan ng naturang barangay dakong alas-8 ng umaga, ngunit gabi na nang maiulat sa lokal na pulisya.

Minamaneho ni Rey Ventura ang jeepney patungong San Mariano proper, ngunit bigla umanong nagloko ang sasakyan at nagtuluy-tuloy sa pababang kalsada.

Dito na umano lumundag palabas ng jeepney si Etchore, ngunit sa kasamaang palad ay tumama ang kanyang ulo sa isang bato, ayon sa ulat.

Itinakbo pa sa lokal na pagamutan ang ginang at pagdaka’y nilipat sa isang ospital sa Cauayan City, kung saan siya idineklarang patay ng doktor, ayon sa ulat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending