Ex-Sexbomb dancer dakip ulit sa buy-bust | Bandera

Ex-Sexbomb dancer dakip ulit sa buy-bust

John Roson - July 17, 2019 - 03:50 PM

MULING naaresto ang isang dating miyembro ng grupong Sexbomb, pati ang dalawang tao, nang makuhaan ng P40,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa San Pablo City, Laguna, Martes ng gabi.

Kabilang sa mga nadakip si Sheena Joanna Uypico, 34, dating miyembro ng Sexbomb, ani Col. Eleazar Matta, direktor ng Laguna provincial police.

Naaresto din sina Melrose Uypico, 32, at Elmer Señoreses, 40, na parehong nasa drug watchlist ng PNP Directorate for Intelligence gaya ni Sheena, aniya.

Isinagawa ng mga tauhan ng San Pablo City Police at Philippine Drug Enforcement Agency ang operasyon sa Brgy. San Nicolas, alas-6:45.

Dinampot ang mga suspek matapos nilang bentahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer, ani Matta.

Nakuhaan ang mga suspek ng anim na sachet ng hinihinalang shabu, P1,000 na buy-bust money, at P4,000 cash na pinaniniwalaang pinagbentahan din ng droga, aniya.

Kinumpiska din sa kanila ang isang cellphone at Toyota Corolla sedan (PMK-343).

Matatandaan na dati nang nadakip sina Sheena at Señoreses noong Nobyembre 25, 2018 sa buy-bust sa isang fastfood outlet sa bayan ng Bay.

Na-acquit ang dalawa sa kasong isinampa sa kanila noon, hanggang sa muling madakip nitong Martes, ayon sa pulisya.

Hinahanda na ang panibagong kaso laban sa mga suspek.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending