Kris Aquino botante na ng QC; itinangging tatakbo sa 2016
BOTANTE na ang bunsong kapatid ni Pangulong Aquino na si Kris Aquino ng Quezon City sa 2016.
Nagparehistro si Aquino sa Quezon City matapos siyang tumira sa lungsod sa nakalipas na 20 buwan. Dating botante si Kris ng Makati City bilang residente ng Barangay Urdaneta.
Sa kanyang pinirmahang aplikasyon, makikitang nakatira na siya sa Barangay Bagumbayan.
Sa isang panayam sa mga mamamahayag, sinabi ni Kris na walang koneksyon ang kanyang paglipat sa planong pagtakbo sa 2016.
“I won’t run for office because) I have contracts which unfortunately…no, fortunately, it’s a blessing, na matatapos sa 2017. So ang laki ng isosoli ko,” sabi ni Kris.
Umabot ng isang oras na nanatili si Kris sa opisina ng QC Comelec office sa City Hall complex kung saan nagtagal siya sa pagpapaproseso ng tatlong pahinang aplication form.
Kailangan ding palitan ni Kris ang kanyang pangalan sa database ng Comelec sa Kristina Bernadette Conjuangco Aquino mula sa dating Kristina Conjuangco Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.