Show ni Maja sa bagong bukas na mall sa Antique nagkagulo; 6 sugatan sa stampede | Bandera

Show ni Maja sa bagong bukas na mall sa Antique nagkagulo; 6 sugatan sa stampede

- July 19, 2015 - 08:36 PM

SEMIRARA ISLAND, Antique — Anim katao ang nasugatan nang mabasag ang pintuang salamin ng shopping mall sa Antique  matapos magtulakan ang mga fans para makapanood ng show ng aktres na si Maja Salvador.

Nagtamo ng mga minor na sugat ang mga biktima na dinala sa ospital ng mga emergency personnel ng Robinsons Place sa Antique sa capital town ng San Jose, ayon kay  Supt. Norby Escobar, hepe ng San Jose police station.

Ang mga nasugatan, ayon kay Escobar, ay kasama sa 3,000 fans at mall goers na nanood sa activity area ng mall, na binuksan lamang nitong Hulyo 15.

Isinara ang mga glass door ng mall ng mga security guard dahil puno na ang activity area.

Alas 12:42 ng tanghali nang buksan ng isang guard ang isang side ng pinto para mapapasok ang isang matandang babae dahil naiipit na ito, ngunit sinamantala ito ng ilang fans dahilan para magka-stampede.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending