77-anyos na lolo matapang na sumabak sa 'Libreng Tuli' challenge

77-anyos na lolo matapang na sumabak sa ‘Libreng Tuli’ challenge

Ervin Santiago - January 25, 2025 - 02:18 PM

77-anyos na lolo matapang na sumabak sa 'Libreng Tuli' challenge

Photo courtesy of Bombo Radyo

SA edad na 77, matapang pa ring nagpatuli ang isang lolo sa isang barangay sa Maguindanao del Sur kamakailan.

Sinamantala ng naturang lalaki ang pagkakataon na makapagpatuli sa naganap na “Libreng Tuli” na bahagi ng Medical Outreach Program ng lokal na pamahalaan ng Maguindanao.

Bukod dito nagsagawa rin iba’t ibang serbisyong medikal sa mga residente ng nasabing probinsya, lalo na sa mga kapuspalad at walang budget para sa pagpapagamot.

Ayon sa lolo, matagal na niyang gustong magpatuli kaya nang mabalitaan nga niya ang Medical Outreach Program sa kanilang lugar ay talagang naglaan siya ng panahon para makapunta sa venue.

Baka Bet Mo: Robin saludo sa mga delivery rider: May doctorate diyan pero panggugulang at panloloko naman ang ginagawa

Aniya, hindi siya nakakapagpatuli dahil sa iba’t ibang dahilan tulad ng kakulangan sa impormasyon, oportunidad, at mga medikal na serbisyo sa kanilang lugar.

Bukod sa 77-anyos na lolo, isang 40-anyos na magsasaka at dalawang mas batang lalaki, edad 31 at 21 ang nakisali rin sa “Libreng Tuli.”

“Ngayon lang ako nagpatuli dahil ang gobyerno na mismo ang nagdala ng serbisyo sa amin,” ang pahayag ng isa sa kanila base sa ulat ng Bombo Radyo.

Ayon sa isang opisyal ng Maguindanao del Sur Provincial Government, “Patuloy kaming bumibisita sa mga malalayong lugar upang matulungan ang mga nangangailangan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending