Xian agaw-eksena sa pagsusuot ng palda, inokray ng bashers

Xian agaw-eksena sa pagsusuot ng palda, binarag ng bashers: Anyare!?

Ervin Santiago - July 03, 2024 - 12:30 AM

Xian agaw-eksena sa pagsusuot ng palda, inokray ng bashers: Anyare!?

Xian Lim

AGAW-EKSENA ang OOTD ng Kapuso actor-director na si Xian Lim sa red carpet premiere ng pelikulang “Kuman Thong” na siya ang nagdirek.

Shookt ang karamihan sa mga dumalo sa event nitong Lunes ng gabi na ginanap sa SM North Cinema nang rumampa si Xian na naka-leather jacket with matching black skirt.

Pero in fairness, kering-keri at proud na proud naman si Xian sa kanyang pasabog na OOTD at mukhang wala naman siyang pakialam sa sasabihin ng mga tao.

Ngunit sey ng binata wala namang daw itong malalim na kahulugan.

Baka Bet Mo: Kim tinupad ang isa sa ‘dream date’ ni Xian: Kahit mega init, laban lang!

Habang naglalakad sa red carpet ng SM North Cinema at papunta sa stage si Xian kasama ang girlfriend niyang si Iris Lee na co-writer niya sa “Kuman Thong” at ang cast members ng pelikula ay natanong ang actor-director kung ano ang ipinaglalaban ng kanyang outfit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ang sagot ng ex-dyowa ni Kim Chiu, gusto lang daw niyang magpakita ng bago sa mga tao.

“I really just wanna, we just wanna, I just wanna show a little bit different,” ani Xian Lim.

Narito naman ang mga comments ng ating mga ka-BANDERA sa bonggang-bongga OOTD ni Xian.

“Kung kelan naman premiere night tsaka pa nagpatuli si Xian.”

“Fashion yn like other countries men wear a skirts, mynmar, Burma sa UK din and also Egypt like pharaoh Ng panahon pa ni Moses. until now nmn manly sa knila pag nkasuot lalo Ng skirts.”

“Trying hard fashionista..Bat sa ibang lalaki, nababagay ang palda na yan..Dahil yata sa leather jacket na naman kaya di bumabagay.”

Baka Bet Mo: Eric umaming si Kris ang unang GF sa showbiz, naging dyowa rin si Dina

“Mapapa thank you ka na lng talaga Lord dahil nawala n to s buhay ni kim. Nagmukhang 50 yrs old n talaga sya. Iba talaga ang alagang kim chiu mapapabata ka talaga like Paulo fresh n fresh pag kasama si kimmy.”

“Pinagtatawanan cguro ni paulo at kim to hhahah anyare?”

“Hindi po ako basher..at hindi rin ako expert s fashion pero. Ampanget talaga real talk. kc nakakita n ko ng susuot nian eh c vhong at un isa s sb 19 c pablo b un…maganda nmn tignan..at galing nila dalhin..ito jusko hahhaha..d bagay pati un galaw nia parang alm nia n di bagay s knya..hahhaha.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“VHONG NAVARRO NAGSUOT NA NG GANYAN SA SHOWTIME, PERO WALA LANG, KASE ANDUN PA DIN UN MASCULINITY, WALANG BAHID ANG DATINGAN, UNLIKE DITO KAY XIAN LIM.”

“I know nmn na fashion yan. Pero hindi po bumagay. Para kunyari pa PPOP. Hindi ako bitter para e bash siya napapansin ko lang ka ibahan nang noon sa ngayon. Malinis siya noong sila pa ni K, ngayon nmn hindi mo ma intindihan kung anong nangyari sa kanya. Stress o ano.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hala anyari sa fashion nia …pang pasyon Naman. Wala na sya na lahat pati promotion nia. Invite mo SI Kim sa stage tyak lahat Anjan sinisigaw. Kimpau kimpau.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending