Gordon Ramsay napasayaw, Niana at Ranz Kyle napasabak sa pagluluto
KILALA si Gordon Ramsay hindi lang bilang isa sa the best chef sa buong mundo, kundi pati na rin sa kanyang matapang at nakaka-intimidate na personality.
Pero ang hindi alam ng marami, game na game din sa fun challenges ang world-renowned chef!
Katulad na lang ng latest post ng social media influencers na sina Niana Guerrero at Ranz Kyle kung saan ay napasayaw pa nila si Gordon.
Sa TikTok, makikita ang maikling clip na naka-apron ang magkapatid habang nagsasayaw sa isang kitchen, at bigla namang dumating si Gordon na naka-chef’s uniform at sumabay na rin beat ng kantang “Tapout.”
Ang caption pa nga riyan ni Niana, “Yes, chef.”
Baka Bet Mo: Gordon Ramsay napamura sa halo-halo ni Ninong Ry: Oh, my God!
@nianaguerrero yes chef @Gordon Ramsay ♬ Make her tap out – 🌟
Napa-comment sa post ang sikat na chef at sinabing, “I can’t believe you got me to dance in my own kitchen in the Philippines.”
As of this writing, ang naturang post ay mayroon nang mahigit 12 million views!
Sa pamamagitan naman ng YouTube, ibinahagi ni Ranz ang unang pagkikita nila with Gordon.
Mapapanood na nagchikahan muna ang tatlo at doon sila nagkasundo na tuturuan ni Gordon ang influencers kung paano magluto, at ang dalawa naman ay magtuturo sa chef kung paano sumayaw.
“I used to watch him on TV. And I used to freak out because he would get mad at everyone,” sey ni Niana sa video.
Mapapanood na ang pinagawa ng chef sa magkapatid ay fish and chips gamit ang lapu-lapu, at binigyan lamang sila ng 10 minutes upang matapos ito.
“First of all, do not turn my kitchen into a nightmare,” babala ng world-renowned chef sa dalawa.
Agad namang sumabak sa cooking challenge ang magkapatid sa tulong ng isang cooking attendant, habang si Gordon naman ay todo pressure sa limitadong oras.
“Grabe pala dito. We’ve been here for five minutes. Not even five minutes. Less than 5 minutes, and they’re like ‘2 minutes.’ ‘Yes, Chef,’” hirit ni Niana.
Dagdag naman ni Ranz, “Fast-cooking. Gordon Ramsay is intense and good.”
Matapos magluto, pinuri ni Gordon ang fish and chips na gawa nina Niana at Kyle.
“It is cooked to perfection. Amazing,” sey ng celebrity chef.
Aniya pa, “It tastes crispy. That’s good! Love that crunch.”
Magugunitang nauna nang naka-bonding ni Gordon ang batikang aktres na si Judy Ann Santos, at ang food influencers na si Ninong Ry at Lumpia Queen Abi Marquez.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.