Piolo kay Sarah: Totoo, napakabusilak ng puso niya!
NAPAKABUSILAK ng puso! ‘Yan ang paglalarawan ni Piolo Pascual sa bago niyang ka-loveteam na si Sarah Geronimo.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakasama nga sina Piolo at Sarah sa bagong pelikula ng Star Cinema at Viva Films, ang “The Breakup Playlist”.
Sabi ni Piolo, kahit ito ang first time nila ng Pop Princess na magkatrabaho sa isang malaking proyekto, napakarami na niyang na-discover sa dalaga. At napakarami rin daw niyang memorable moments habang ginagawa nila ang “The Breakup Playlist.”
“When we were doing the look test, pareho pa kaming nagkakahiyaan. She’s the usual giggly Sarah. But the good thing is, in the course of time, medyo nawala na ‘yung pagiging giggly niya kasi sobrang seryoso ng movie.
“Once in a while kumakawala pa rin. She’s very much like a kid but I like working with her,” chika ni Piolo. Ang “The Breakup Playlist” ay tungkol kay Trixie (Sarah), na isang law student at nangangarap na maging singer.
Mai-in love siya kay Gino (Piolo), na isang magaling na musician at nagbabalak na makabuo ng isang rock band. Kukunin nila si Trixie para maging bahagi ng banda, pero unti-unting masisira ang maganda nilang relasyon dahil sa mga pagsubok na darating sa kanilang buhay.
Nang tanungin si PJ kung ano ang espesyal kay Sarah bilang leading lady, “Napaka-pure ng heart. She always draws from real emotions. It was also hard especially because, if I’m not mistaken, this is the most serious role that she’s taken on so far.”
Puro papuri rin ang ibinigay ni Papa P sa direktor nilang si Dan Villegas, “It’s very raw and organic. What’s nice about direk Dan is that he’s very collaborative. He listens to his actors. This is just his second directorial job.
“What’s good about that is that he knows what he wants, he knows how to get it from his actors and he definitely has an eye. Ang ganda ng visuals niya being a cinematographer before,” hirit pa ng reigning Box-office King of Philippine Movies.
Siyempre, super excited na sina Piolo at Sarah sa nalalapit na pagpapalabas ng “The Breakup Playlist”, kahit sila ay hindi na makapaghintay na mapanood ang pinaghirapan nila.
“The title itself says a lot about the whole story, the whole movie. As a moviegoer myself, I love watching films that make me learn, that make me assess my life and evaluate my experiences.
“That’s what this movie is all about. It will make you relate to the character, to the story but most importantly, it will make you laugh, cry and enjoy the whole experience,” aniya pa.
Showing na nationwide ang “The Breakup Playlist” sa mga sinehan simula sa July 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.