Nash, Alexa ayaw tumigil sa pag-aaral, desididong makatapos | Bandera

Nash, Alexa ayaw tumigil sa pag-aaral, desididong makatapos

Ervin Santiago - June 04, 2015 - 02:00 AM

nash aguas

Bilib na bilib kami sa Kapamilya teen stars na sina Nash Aguas at Alexa Ilacad dahil napakahalaga pa rin para sa kanila ng pag-aaral.

Pangarap ng dalawang bagets ang makatapos ng pag-aaral kaya kahit nag-aartista ay hindi sila tumigil sa pag-aaral. Parehong nag-enroll sa home study program ngayong school year sina Nash at Alexa.

Nasa Grade 10 na ang dalawa na huli nating napanood sa Primetime Bida series na Bagito ng ABS-CBN.”Fourth year po ‘yon, advance po ako kasi hindi ako nag-stop.

Tuloy-tuloy siya para one day kapag may dumating na project na everyday ang taping ay hindi po ako mahuli,” sabi ni Alexa sa interview ng ABS-CBN na planong kumuha ng business management source o accounting sa college.

Para naman kay Nash, nais daw niyang kumuha ng kurso na may kinalaman din sa showbiz kaya gusto niyang mag-aral ng film. “Gusto kong maging director talaga.

Kasi tuwing nagte-taping kami nakikita ko ang mga directors namin…nagbibigay ako minsan ng suggestions at tumutulong din po ako so parang gusto kong ituloy para hindi malayo,” sabi pa ng bagets sa nasabing panayam.

Dagdag pa ni Nash, nagpapasalamat daw siya sa kanyang mga magulang dahil suportado ng mga ito ang kanyang pag-aartista at pag-aaral, “Mahalaga siya (makapagtapos) kasi bata pa lang artista na ako.

Pinapaalala sa akin ni mommy na huwag pabayaan ang pag-aaral ko.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending