Pacquiao feel na feel ang pagbagsak ni Mayweather: Lalaban ako para sa bayan! | Bandera

Pacquiao feel na feel ang pagbagsak ni Mayweather: Lalaban ako para sa bayan!

Cristy Fermin - April 29, 2015 - 02:00 AM

manny pacman

Ilang tulog na lang at masasaksihan na ng buong mundo ang makasaysayang pagtutuos ng ating Pambansang Kamao at ni Floyd Mayweather, Jr. sa Las Vegas.

Habang isinusulat namin ang kolum na ito ay naghahanda na ang Team Pacquiao para bumiyahe papuntang Las Vegas, kailangang maramdaman na ni Pacman ang kapaligiran ng Sin City bago ang kanilang salpukan ni Boy Daldal, sa Mandalay Bay By The Bay nakatakdang pansamantalang manirahan ang Pambansang Kamao habang pinaghahandaan hanggang sa matapos ang kanilang laban ni Mayweather.

Buung-buo ang paniniwala ni Manny Pacquiao na maipapanalo niya ang labang ito, madalas niyang sabihin ngayon ang linyang, “Lalaban ako para sa bayan ko.”

Todo rin ang suporta ng mga Pinoy sa iba’t ibang dako ng buong mundo, magkakaisa ang mga kababayan nating may kapasidad gumastos para sa napakamahal na ticket para sa laban na magsasadya sila sa Las Vegas para suportahan ang ating kampeon, isandaang porsiyento ang pag-asa at tiwala ng ating mga kababayan na tatalunin ni Pacman si Mayweather.

Hindi nakapapasok sa Wild Card Gym sa Los Angeles ang mga Pinoy na gustong makapagparetrato kay Pacman, mahigpit si Coach Freddie Roach, kaya inaabangan na lang nila ang Pambansang Kamao sa kanyang pagdyi-jogging sa Griffith Park.

Bago bumiyahe papuntang Las Vegas ay ipinagdiwang na muna nila ang kaarawan ng kanilang bunsong si Israel, “Puno na kasi ang daily schedule ni Manny, kaya isiningit na namin,” sabi ni Jinkee Pacquiao.

Sa darating na Linggo na, May 3, ang pinakaaabangang pagtutuos! Maluwag na naman ang lahat ng mga kalye sa bayan ni Juan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending