Pagwawala nina Gerald at Shaina pinalakpakan | Bandera

Pagwawala nina Gerald at Shaina pinalakpakan

Julie Bonifacio |April 18,2015
facebook
share this

Pagwawala nina Gerald at Shaina pinalakpakan

Julie Bonifacio - April 18, 2015 - 01:30 AM

shaina magdayao

Napanood na namin ang first week episodes nang inaabangan na ngayon na Nathaniel sa ABS-CBN pagkatapos ng TV Patrol. This is another “religious-themed” primetime teleserye ng Kapamilya network mula sa Dreamscape Entertainment TV.

Matatandaan na ang Dreamscape rin ang naglunsad kay Zaijian Jaranilla sa May Bukas Pa at kay Xyriel Manabat sa 100 Days To Heaven. This time, ang child star na si Marco Masa naman ang ipakikila sa primetime viewers ng Dreamscape na gaganap bilang anghel na si Nathaniel.

In fairness, may charm si bagets na tiyak na ikatutuwa ng viewers habang pinapanood siya. And as for his role naman bilang anghel na pinababa sa lupa for a special mission, kering-keri naman ito ni Marco.

Si Nathaniel ay ang sanggol na anak nina Gerlad Anderson at Shaina Magdayao na namatay. At gaya sa mga nakalakihan nating kwento, ang mga namamatay na baby ay umaakyat sa langit at nagiging anghel.

So, ganoon nga ang nangyari hanggang naging ganap na batang anghel si Nathaniel sa langit. Hindi namin sure kung napanood ng creative team ng Dreamscape ang pelikulang “Heaven Is For Real” from the book with the same title.

Si Randall Wallace na director ng “Gladiator” ang nagdirek ng “Heaven Is For Real.” Tungkol ito sa batang si Colton na hindi naman namatay pero nakita niya ang sarili niya sa loob ng emercgency room at the same time nagkaroon ng chance to see heaven.

Sa langit, nakita niya ang nakatatanda niyang kapatid na babae na namatay noong baby pa lang. So, hindi alam ni Colton ang tungkol sa kanyang kapatid dahil hindi pa nakukuwento ‘yun sa kanya ng parents niya.

Going back to Nathaniel, we just hope na magkaroon ng more extensive research and pure facts about angels ang maipakita sa serye para hindi ma-disorient ang viewers especially the kids of this generation na tiyak na tututok sa show at magke-keri over ng kwento about angels.

Pero hindi namin napigilan ang ‘di umiyak sa breakdown scenes nina Gerald at Shaina noong mamatay ang anak nila. Naku, bato na lang ang hindi iiyak kapag napanood ang eksenang ‘yan, ha!

Bad ulit ang role ni Coney Reyes dito bilang mother ni Gerald at “kakuntsaba” naman niya ang kaduda-dudang karakter ni Leo Martinez. Ang iba pang kasama sa Nathaniel ay sina Benjie Paras, Pokwang, Sharlene San Pedro, Jayson Gainza, Isabelle Daza at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending