Empress umaming 3 buwang buntis, humingi ng sorry | Bandera

Empress umaming 3 buwang buntis, humingi ng sorry

Ervin Santiago - April 11, 2015 - 05:50 PM

empress schuck

Matapang na umamin ang Kapuso actress na si Empress Schuck na siya’y nagdadalang-tao na ngayon. Tatlong buwan na raw ang baby sa kanyang sinapupunan. Sa interview ng Startalk diretso nitong sinabi na ang kanyang non-showbiz ang tatay ng kanyang magiging baby. Sey ni Empress, naging pribado ang relasyon nila ng dyowang si Vino na aniya’y isang family friend na mula sa Zamboanga. Kahit na nga nag-aartista siya, napanatili nila ni Vino ang kapribaduhan ng kanilang relasyon.Pero anang aktres hindi naging madali ang pagtanggap sa kanyang kundisyon, “Parang unti-unti pa lang nag-sink in sa akin. Tapos bigla akong nag-breakdown. Iyak ako talaga.” Pinag-usapan daw muna nila ni Vino kung paano sasabihin sa pamilya nila ang kanyang pagbubuntis, “Nag-usap muna kaming dalawa, since magkasama naman kami that night. “May kaibigan akong doctor… sabi ko, ayoko nang magpaliguy-ligoy pa, kahit mga 11 p.m. na yun, tinawagan ko talaga yung kaibigan ko na doktor kung puwede ba akong pumunta sa kanila, kasi may problema ako. “Pumunta kami sa kanya, binigyan niya ako ng tips, and ayun, sila na yung nag-aalaga sa amin ngayon,” chika pa ni Empress. Humingi naman ng paumanhin si Empress sa kanyang fans, pati na rin sa mga taong tumutulong sa kaniyang career dahil sa nangyari. Nagpasalamat naman siya sa kanyang pamilya at sa mga malalapit na kaibigan na unang nakaalam sa kanyang kalagayan. Sa kabila raw kasi ng nangyari, buo pa rin ang suporta ng mga ito sa kanya. Ayon pa sa Kapuso actress, umaasa siya na may babalikan pa rin siyang career sakaling magdesisyon siyang bumalik sa showbiz kahit na meron na siyang anak. .

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending