Julia Montes umamin na: Walang babaeng di mai-in love kay Coco! | Bandera

Julia Montes umamin na: Walang babaeng di mai-in love kay Coco!

Julie Bonifacio |March 15,2015
facebook
share this

Julia Montes umamin na: Walang babaeng di mai-in love kay Coco!

Julie Bonifacio - March 15, 2015 - 02:00 AM

coco martin
NAMUMULA ang mukha ni Julia Montes nu’ng aminin niya sa amin na crush niya si Coco Martin sa presscon ng Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures sa ABS-CBN na magsisimula sa March 22, Sunday.

“Iba ang paghanga ko sa kanya. Ang hirap i-elaborate po. Ha-hahaha! Paano ba? Siguro hindi kasi ako madaling ma-amaze sa isang lalaki. Pero sa kanya naa-amaze ako sa kanya kung paano, buong pagkatao niya.

Kasi parang hindi lang siya bilang artista, bilang aktor ka magagalingan. Kundi kung paano siya sa buhay, bilang apo, bilang pamilya,” paliwanag ni Julia.

Nagpadulas na si Coco na may pagtingin siya kay Julia during the Q&A portion sa presscon ng Yamishita’s Treasures when he said na kailangan in love siya sa leading lady niya para maging effective siya as a lover.

“Paano ba? Ano bang ire-react ko doon? Ha-hahaha!” Hirap at ‘di malaman ni Julia kung ano ang sasabihin niya sa statement ni Coco. Kakaiwas sa pagsagot, ‘di namamalayan ni Julia na nagba-blush na siya, “Kasi nahihiya po ako, e.

Ang hirap naman po kasi,” depensa niya. Sabi namin bakit mahirap gayong binata naman si Coco and financially secured na, “Nakaka-in love ‘yung, paano ba? Hindi kasi, ‘yung character ni Coco walang babae ang hindi mai-in love lalo na kapag nakilala mo siya.”

So, in love na siya kay Coco? “Huh! Ha-hahahaha!” Focus lang daw muna siya sa work ngayon. Priority pa rin niya ang kanyang pamilya. Gaya noong mag-birthday ang kapatid niya last Thursday, nag-bonding daw sila ng kanyang kapatid.

At sa March 19 naman ang birthday ni Julia.“Magluluto ako, magbi-bake ako for them (family). Bonding lang kami. Hindi sa labas. Ayoko na kasing mag-celebrate sa labas.”

Wala pa raw gift sa kanya si Coco though we asked her kung ano ba ang material gift ang gusto niyang matanggap from her leading man, “Okey na ako sa friendship niya.

Wala pong materyal. ‘Yung thought pa lang na binibigyan niya ako ng advice, nakakausap niya ako, big thing na sa akin, ‘yun,” sabi pa ni Julia.

At kung bibigyan daw ng label ang relasyon nila ni Coco ngayon, she would consider him as a special friend, “Kasi talagang iba, e. Hindi rin po ako ma-open na tao lalo sa friendship. Pero sa kanya talaga relax akong magkwento.

Relax akong humingi ng advise. Kasi alam ko genuine siyang tao. Parang living proof po kasi siya sa akin,” ngiti niya. Anyway, isang prinsesa ng mga diwata ang role ni Julia sa Yamishita’s Treasures.

First time raw niya gaganap bilang diwata sa light drama fantasy project nila ni Coco. “After ng Walang Hanggan at heavy dramas, ngayon lang ulit ako magla-light. Excited po ako. At dream ko rin po ‘yung role ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero ewan ko po kung matutuloy sa story na magkakaroon ako ng second look. ‘Yun ang dream ako, ‘yung mala-Tomb Raider,” sey ni Julia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending