Julia nakipagbati kay Dennis; pinuri ng netizens | Bandera

Julia nakipagbati kay Dennis; pinuri ng netizens

Ervin Santiago |February 27,2015
facebook
share this

Julia nakipagbati kay Dennis; pinuri ng netizens

Ervin Santiago - February 27, 2015 - 03:00 AM

JULIA BARRETTO AT DENNIS PADILLA

JULIA BARRETTO AT DENNIS PADILLA

Good news pa rin para sa pamilya at mga kaibigan ni Julia Barretto. Balitang nagkaayos na ang dalagita at ang kanyang amang si Dennis Padilla.

Isang larawan ang kumalat sa social media kahapon kung saan makikitang magkasama sina Julia at Dennis sa tila isang kwarto – parehong masaya ang aura ng mag-ama kaya feeling ng mga nakakita nito, all’s well na sa pagitan ng dalawa.

Hindi namin sure kung saan at kailan kuha ang nasabing litrato pero ang paniniwala ng marami, kailan lang ito kinunan – nilagyan ito ni Julia ng caption na: “Papa being his comedian self.”

At dahil dito, puro papuri ang ibinigay na mensahe ng netizens para kay Julia. Karamihan sa mga ito ay nagsabing good karma ang darating sa buhay at career ng Kapamilya teen star dahil sa pagpapakumbaba niya sa kanyang tatay.

Kung matatandaan, noong nakaraang buwan ay nabalitang inisnab ni Julia si Dennis sa isang Christmas party ng ABS-CBN.

Mismong si Dennis ang nagsabi na nakita siya ni Julia sa nasabing party dahil ilang mesa lang ang layo nila sa isa’t isa pero ni hindi siya nito nilapitan at binati.

Sa darating na March 10 magde-debut si Julia, at umaasa ang kanyang mga fans na makakasama na niya ang kanyang tatay sa kanyang 18th birthday ngayong okay na sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending