Dina hindi agad na-in love kay Vic, nagpakasal pero fake pala

Dina hindi agad na-in love kay Vic, nagpakasal noon pero fake pala

Ervin Santiago |May 13,2024
facebook
share this

Dina hindi agad na-in love kay Vic, nagpakasal noon pero fake pala

Ervin Santiago - May 13, 2024 - 08:50 AM

Dina hindi agad na-in love kay Vic, nagpakasal noon pero fake pala

Dina Bonnevie at Vic Sotto

“I DIDN’T fall in love with Vic (Sotto), I grew in love.” Yan ang pag-amin ni Dina Bonnevie tungkol sa naging relasyon nila noon ng dating partner.

Kuwento ng premyadong aktres, nag-start ang love story nila ni Bossing noong 1981 at 19 years old lang daw siya noon at nagsisimula nang sumikat bilang Regal Baby.

Nagpakasal daw sila ni Vic kahit tutol ang kanyang ama na si Honesto Bonnevie pero nalaman nila na wala pala itong bisa.

Baka Bet Mo: Mark Leviste binati si Bimb sa ika-16th birthday nito: It’s been a joy watching you grow up

“Supposed to be, ikinasal kami, pero hindi naman pala totoo yung kasal. Kasi yung nagkasal sa amin was a clerk of court, which we didn’t know.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“And then, nagtanan kami, kasi we’re doing a show together, yung Lucky Stars. Sabi niya (Vic) lang sa akin, ‘Do you want to come home with me? Come home na lang with me.’

“And, di ba, lagi naman tayong may mga maleta ng damit kapag artista ka? E, di sabi ko, sige. So, nagtago na kami from my dad,” kuwento ni Dina sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”

Pag-amin pa ng aktres, hindi siya agad na-in love kay Vic, natutunan na lang daw niya itong mahalin nang magsama sila bilang mag-asawa.

“And then eventually, that’s why I always say, I didn’t fall in love with Vic. I grew in love. There’s a difference. Kasi when you fall in love, you fall in love, then ‘I’m so in love. He’s so pogi and all these.’

Baka Bet Mo: Anak nina Aga at Charlene na si Andres Muhlach hindi isinasara ang pinto para sa showbiz, hiyang-hiya sa tawag na ‘Crush ng Bayan’

“That’s not the case with Vic. It wasn’t about being pogi, but he was Mr. 1-2-3, and I’m like, ‘Duh! Mr. 1-2-3?'” ang sey pa ni Dina na ang tinutukoy ay ang 1980 movie ni Vic kasama sina Tito Sotto at Joey de Leon.

Hirit pa ni Ms. D, “Parang ang pogi-pogi ng boyfriend ko dati, Alfie Anido, di ba?”  Ang Alfie Anido na kanyang nabanggit ay ang naging leading man niya noon sa Regal na pumanaw sa edad na 22 noong December 30, 1981.

“But then, iba when you grow in love, kasi you’re beginning to see his good points. Okay naman pala siya. He’s kind, he’s magalang, he loves his mother a lot, he respects his kuyas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Parang du’n mo mabubuo yung pagkatao niya. One doesn’t judge because of one’s inability to speak sosyal English.

“But then I saw that talagang he had a good heart. Eventually, du’n mo nakita na mabuti siyang tao. How could I have judged him, and that’s when I really, really grew in love with him.

“And then when I grew in love with him, naging possessive na ako. ‘You have to bring me to taping, you have to bring me to shooting. You have to pick me up.’

“Baligtad na. Samantalang yung una, ‘Ha! God, no!’ Naalaala ko, sabi ko pa dati, ‘Why do you have a lot of toilet jokes? Really? I am so sick of hearing them, do you mind?’ Ganyan pa ako!’” pagbabahagi pa ni Dina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May kanya-kanya nang buhay ngayon sina Dina at Bossing at in fairness, napanatili pa rin nila ang kanilang maayos na relasyon through the years, sa kabila ng nangyari sa kanila in the past.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending