Tito Sen goodbye Bulaga: Mag-uusap kami nina Vic & Joey! | Bandera

Tito Sen goodbye Bulaga: Mag-uusap kami nina Vic & Joey!

|May 23,2018
facebook
share this

Tito Sen goodbye Bulaga: Mag-uusap kami nina Vic & Joey!

- May 23, 2018 - 12:30 AM


ISASAKRIPISYO muna ni Sen. Tito Sotto ang noontime show nilang Eat Bulaga para sa pagiging Senate President. Pinalitan niya si Sen. Koko Pimentel matapos itong mag-resign.

Matagal-tagal ding hindi mapapanood si Tito Sen sa Eat Bulaga ng mga Dabarkads dahil magko-concentrate raw muna siya sa mga trabaho niya sa Senado.

Ayon sa TV host-politician, kailangang tutukan niya muna ang mga panukalang batas na kinakailangan ng mabilis na aksyon para agad maisabatas.

Nang matanong kung mapapanood pa rin siya sa EB tuwing Huwebes, Biyernes at Sabado kung kailan walang session sa Senado, sabi ni Tito Sen, “Hindi na siguro, hindi na muna. Mag-uusap kami nina Vic (Sotto) at Joey (de Leon) at ni Tony Tuviera (producer ng Eat Bulaga).”

Last Saturday, nagpaalam na ang senador sa Eat Bulaga kasama ang asawang si Helen Gamboa at anak na si Ciara. Mensahe niya sa mga Dabarkads, “Kay Vic at kay Joey, sa lahat po dito na mga taga Eat Bulaga at kayo pong lahat, ang Tito na nakasama ninyo sa halos 28 taon ng tanghalian ng inyong buhay, yan din po ang maglilingkod sa inyo.”

“Ang Tito noon at Tito ngayon, siya rin ang inyong tito sa darating pang panahon,” aniya pa.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending