Lassy Marquez nagluluksa sa pagkamatay ng ama

Lassy Marquez nagluluksa sa pagkamatay ng ama

Therese Arceo - May 16, 2024 - 04:49 PM

Lassy Marquez nagluluksa sa pagkamatay ng ama

PUMANAW na ang ama ng komedyante at isa sa hosts ng “It’s Showtime” na si Lassy Marquez.

Ngayong araw, May 16, ibinahagi ng komedtante ang malungkot na balita sa kanyang Facebook account.

Kalakip ng post ni Lassy ay ang kanyang pagyakap sa ama habang nakahiga ito sa hospital bed.

“Paalam DADA ko. [crying and broken heart emoji] Mahal na mahal kita at mahal na mahal ka namin alam mo yan. Maraming Salamat sa memories at pagmamahal mo sa amin bilang isang ama.

Baka Bet Mo: Lassy Marquez, MC Muah hindi pa rin makapaniwala na regular host na ng ‘It’s Showtime’, yan ay dahil kay Vice Ganda

“Hinding hindi kita malilimutan kahit kailan. [heart emoji] Tatandaan ko ang mga huling habilin mo bago ka pumanaw. At Ako na rin ang bahala sa Pamilya natin lalo na kay mama. Kaya wag kang mag alalla. At Gabayan mo lang kami lagi. Hanggang sa muli Dada ko. Mahal na mahal kita,” saad ni Lassy sa kanyang post.

Nagpasalamat rin ang komedyante sa lahat ng mga taong nagpaabot ng kanilang dasal para sa kanyang ama.

Nauna na kasing nanawagan si Lassy sa madlang pipol na ipagdasal ang kanyang ama.

“Maraming Salamat po sa mga prayers mula pa nung time na humihingi si Lassy ng panalangin. May we now pray for the soul of Lassy’s father and pray for the strength of their family during this difficult time,” saad ng isang netizen na namamahala sa kangang tagasuporta.

Sa hiwalay na post ay sinabi ni Lassy na miss na agad niya ang kanyang ama.

“Dada Sobrang namimiss kita ngayon. Ang sakit sakit. Ang bigat. Lord God kayo napo ang bahala sa amin buong pamilya. Bigyan nyo po kami ng lakas,” sey niya sa latest post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending